Helicopter ng PNP, Sumabit sa Linya ng Kuryente Matapos Mag-Take-off Ayon sa Saksi

Nitong Huwebes, Marso 5 nang bumagsak ang helicopter na sinasakyan ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Archie Gamboa, kasama ang apat na pasahero at dalawang piloto nang sumabit ito sa kawad ng kuryente.
Sobrang alikabok umano sa lugar kaya nag-zero visibility hanggang sa sumabit ito sa kawad ng kuryente dahil hindi nakalipad ng mataas bago tuluyang bumagsak.
Agad sinugod sa ospital ang sugatang si Gamboa at anim na iba pa, kabilang ang kanyang aide at mga tauhan ng PNP communications group.
Ayon sa PNP nasa maayos na kondisyon ang hepe ng PNP ang mga kasamahan nito.
Sinabi naman ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na brand new ang helicopter na sinakyan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Archie Gamboa.
“Brand new ‘yan at tsaka twin engine ‘yan. ‘Yan ‘yung na-purchase namin during my time,” sabi ni Dela Rosa
“Magandang klase ‘yan,” dagdag pa ng dating PNP chief.
Dumaan umano sa bidding procedure ang pagbili sa naturang helicopter kung saan si Gamboa pa ang head ng bids and awards committee ng kapulisan.
“It went through proper bidding procedure. Alam naman natin maraming kaso beforehand kaya nag-iingat talaga siya na hindi masingitan ng kalokohan ‘yung procurement niyan,” dagdag ng senador.
Comments
Post a Comment