Dahil sa Kahirapan Estudyante sa Surigao Dahon ng Saging ang Gamit na Notebook

Hindi hadlang ang kahirapan sa estudyanteng pursigidong matuto at makapagtapos.
Binahagi ng isang guro sa kanyang Facebook ang larawan ng kanyang estudyante na nagsusulat lamang sa dahon ng saging.
Ayon sa gurong si Arcilyn Balbin Azarcon, halos madurog ang puso niya nang makita kung saan isinusulat ni Erlande Monter ang natutunan sa Mathematics.
Wala raw pambili ng ibang school supplies ang binatilyo dala ng kahirapan. Kwento ng ina ni Erlande, di raw talaga sumasapat ang kita ng kanyang asawa sa kanilang pamilya.
Katunayan, pag mayroon lamang na sumosobra sa sahod nito, saka lamang sila nagkaka-ulam.
Kasalukuyang nagtratabaho bilang road maintenance worker sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang tatay ng bata na kumikita ng P4,000 kada buwan. Housewife naman ang nanay niyang si Enriqueta.
Samantala, nais lamang daw na ipakita ng guro na di lahat ng estudyante ngayon ay mayroon lahat ng bagay na kanilang kailangan lalo na ang mga pagkuha ng notes na madalas ay cellphone na ang gamit.
Pangarap ng mag-aaral maging sundalo kaya nag-aaral siyang maigi.
Dahil sa viral post, marami nang netizens ang nais magpaabot ng tulong sa binatilyo.
Ang mismong guro ni Erlande ay nagbigay ng bag at school supplies sa estudyante bilang panimulang tulong dito.
Comments
Post a Comment