CODE RED: Empleyado ng Deloitte Philippines sa Taguig Nag-Positibo sa CoronaVirus

Kinumpirma ng Taguig based na consultant at financial advisory firm na Deloitte Philippines noong Sabado, na ang isa sa mga empleyado nito na nasuri ay nag positibo sa bagong coronavirus disease (COVID-19).
“We confirm that a colleague in our Deloitte Philippines office has tested positive for COVID-19,” pahayag ng Deloitte sa isang panayam.
“The colleague is currently in hospital receiving treatment and further tests, and Deloitte is supporting the colleague and family in every way we can,” Dagdag ng Deloitte
Ang kumpanya ay nakabase sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City.
Sinabi ni Taguig City Mayor Lino Cayetano noong Sabado na ang empleyado ng Deloitte Philippines na nag positibo sa COVID-19 ay hindi isang bagong kaso ngunit ito ay isa sa dalawang pinakabagong kaso na nauna nang nakumpirma ng Department of Health (DOH).
"We confirm that the case mentioned in the Department of Health press conference on March 6, 2020 is that of the coronavirus (COVID-19) case in the City of Taguig. The individual is employed at Deloitte Philippines located at the Net Lima Plaza in Bonifacio Global City,"sinabi ni Cayetano sa isang pahayag.
Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III na itinaas na sa Code Red ang alert level, kasabay nito ang pagkumpirma sa unang kaso ng local transmission sa ika-anim kaso. Siya ang 62-anyos na lalaking mayroon nang severe pneumonia.
Comments
Post a Comment