Posts

Showing posts from March, 2020

Bulag na Lola, Nagsusumikap Pa rin Magtinda ng Sili at Gulay sa Divisoria

Image
Lolang bulag naghahanapbuhay parin sa Divisoria

Kahit na bulag, nagtitinda pa rin ng sili at gulay ang isang matandang babaeng sa Divisoria sa Maynila.


Kuwento ni Rhojanna Ronha Dizon na nag-upload ng viral na litrato. Hindi siya mahilig sa sili pero inaraw-araw na niya ang pagbili nito nang malamang bulag ang matandang tindera.

Dahil sa kanyang kondisyon, hindi matukoy ni nanay kung magkano ang ibinabayad sa kanya ng kanyang mga kostomer.

"Kinakapa niya 'yung plastic ng paglalagyan ng binili ko. Nang iabot ko 'yung bayad ko na Php 20.00, sabi niya, 'Ne, magkano itong bigay mo? May sukli pa ba ito," kuwento ni Rhojanna.
Ayon kay Rhojanna, kasalukuyang nasa Juan Luna sa Divisoria ang matandang tindera.

Panawagan niya sa ating mga Kapuso, tulungan si Nanay.

Source: Rhojanna Ronha Dizon 

Pilipinas Bumili ng 16 Brand New Black Hawk Helicopters Para sa Philippine Air Force

Image
Tuloy-tuloy ang pagpapalawig at pagpapalakas ng pwersa ng Philippine Air Force.

Ang unang sampu sa 16 na unit ng Black Hawk helicopter na para sa Philippine Air Force ay idedeliver na ngayon taong 2020.

Sinabi ng hepe ng Air Force na si Lt. Gen. Rozzano Briguez sa mga reporters na ang unang sampung helicopters ay ihahatid na ngayon taon habang ang natitirang anim ay darating sa 2021.

Ang labing-anim na Sikorsky S-70i Black Hawk helicopter ay nagkakahalaga ng P12 bilyon, pinalitan nito ang kinanselang kontrata ng 16 Bell 412EP helicopter mula sa Canada.


Noong nakaraang taon, kinansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang deal na bumili ng mga battle utility helicopter mula sa Canada, na nagpahayag ng pagkabahala na maaaring magamit ang mga helikopter sa pag-atake sa counterinsurgency sa Pilipinas.

Bagamat ang Lockheed Martin ay isang American defense company, ang mga helikopter na binili ng Philippine Air Force ay ginawa ng PZL Mielec ng Poland, ang pinakamalaking pasilidad nito sa labas …

UPDATED WALANG PASOK: Class Suspensions for Monday, March 9, 2020

Image
Updated March 9, 2020 09:00pm 

The Department Of Health (DOH) raised the alert level of the outbreak to Code Red sublevel 1 and recommended the declaration of State of Public Health Emergency to the Office of the President.

Below are the class cancellations  Cities and municipalities as a precautionary measure against the possible spread of the novel coronavirus (COVID-19).
Metro Manila  — all levels, public and private (until March 14)Lingayen, Pangasinan: all levels, public and private (March 10)
Refresh this page for updates.

CODE RED: Empleyado ng Deloitte Philippines sa Taguig Nag-Positibo sa CoronaVirus

Image
Kinumpirma ng Taguig based na consultant at financial advisory firm na Deloitte Philippines noong Sabado, na ang isa sa mga empleyado nito na nasuri ay nag positibo sa bagong coronavirus disease (COVID-19).

“We confirm that a colleague in our Deloitte Philippines office has tested positive for COVID-19,” pahayag ng Deloitte sa isang panayam.

“The colleague is currently in hospital receiving treatment and further tests, and Deloitte is supporting the colleague and family in every way we can,” Dagdag ng  Deloitte

Ang kumpanya ay nakabase sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City.

Sinabi ni Taguig City Mayor Lino Cayetano noong Sabado na ang empleyado ng Deloitte Philippines na nag positibo sa COVID-19 ay hindi isang bagong kaso ngunit ito ay isa sa dalawang pinakabagong kaso na nauna nang nakumpirma ng Department of Health (DOH).

"We confirm that the case mentioned in the Department of Health press conference on March 6, 2020 is that of the coronavirus (COVID-19) case in the C…

Helicopter ng PNP, Sumabit sa Linya ng Kuryente Matapos Mag-Take-off Ayon sa Saksi

Image
Nitong Huwebes, Marso 5 nang  bumagsak ang helicopter na sinasakyan ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Archie Gamboa, kasama ang apat na pasahero at dalawang piloto nang sumabit ito sa kawad ng kuryente.

Sobrang alikabok umano sa lugar kaya nag-zero visibility hanggang sa sumabit ito sa kawad ng kuryente dahil hindi nakalipad ng mataas bago tuluyang bumagsak.

Agad sinugod sa ospital ang sugatang si Gamboa at anim na iba pa, kabilang ang kanyang aide at mga tauhan ng PNP communications group.

Ayon sa PNP nasa maayos na kondisyon ang hepe ng PNP ang mga kasamahan nito.

Sinabi naman ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na brand new ang helicopter na sinakyan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Archie Gamboa.

“Brand new ‘yan at tsaka twin engine ‘yan. ‘Yan ‘yung na-purchase namin during my time,” sabi ni Dela Rosa
“Magandang klase ‘yan,” dagdag pa ng dating PNP chief.

Dumaan umano sa bidding procedure ang pagbili sa naturang helicopter kung saan si Gamboa pa ang head…

P2K Kada Buwan Allowance sa mga Housewife Isinusulong sa Senado

Image
Isinusulong sa Senado ang isang panukalang naglalayong mabigyan ng buwanang sahod sa mga ilaw ng tahanan sa bansa.

Sa House Bill 8875 na isinusulong ni Albay Rep. Joey Salceda, kinikilala ang ambag ng mga ilaw ng tahanan sa kanilang araw-araw na pag-aalaga sa kanilang mga asawa’t anak gayundin ang epekto nito sa ekonomiya.
Nakasaad sa inihain niyang panukala na dapat ay may sahod din ang mga maybahay na nananatili lamang sa bahay at nag-aalaga ng kanilang mga anak at asawa.

Sa ilalim ng panukala ni Salceda, bibigyan ng P2,000 sweldo ang mga nanay na may isang anak na may edad 12 pababa at makokonsiderang kabilang sa pinakamahihirap sa bansa ito ay magpapatuloy hanggang makaahon siya o lampas na sa 12 taon ang anak niya.

Ang DSWD ang tutukoy sa kung sino ang karapat-dapat na mabigyan ng ayuda.

Ayon sa mambabatas, aabot sa P35 bilyon ang kakailanganin ng programa na ang P32 bilyon ay mapupunta sa mga may asawang maybahay at tatlong bilyong piso naman ang sa mga ‘single mothers’, balo…

27 Mbps Mabilis na Mura pa! 3rd Telco Aarangkada na!

Image
Aarangkada na umano ang network rollout ng  Dito Telecommuting, ang ikatlong major telecommunications company sa bansa sa Hulyo.

Nitong Lunes natanggap na ng 3rd telco ang kanilang license to operate  mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ibig sabihin ay magagamit na ng higit 30% ng populasyon sa Pilipinas ang serbisyo ng bagong telco.

Magtatayo rin raw ng lagpas 1600 tower ang Dito Telco.

Sa Marso 2021 naman ang target na commercial launch ng ikatlong telco sa bansa.

Nobyembre 2018 nang ideklara ng National Telecommunications Commission ang Mislatel Consortium o ngayon ay Dito Telecommuting bilang “New Major Player” sa telco industry.

Sa unang taon pa lang ng operasyon, magbibigay na umano ang Dito Telecommuting ng average speed na 27 megabytes per second (mbps) sa internet sa Pilipinas at 37 porsiyento na national coverage.

Ayon sa National Telecommunications Commission, sa limang taon na operasyon ng Dito, inaasahang lalawak na sa 84.01% ang cover nito at mararanasan na rin ng bansa…

Part 2 | Frontrow, Ipina-tulfo ng Dating Miyembro ng Kanilang Millionaires Club!

Image
Si Dave Villanueva ay isang miyembro ng Frontrow at meron na siyang ranggo sa Frontrow.

Sa mga Frontrow malaman nakikilala niyo siya dahil meron na siyang mga billboards at madami na beses na nagamit siya sa campaign ads ng Frontrow.

Nagtungo siya sa Action Center para magsabi ng kanyang hinaing at mag-expose ng kalokohan sa loob ng Frontrow.

Sinubukang kontakin ni idol Raffy ang Frontrow, ngunit tila ayaw makipagugnayan ng Frontrow para ayusin ang isyu.

Mga Tolongges Madali nang Mahuhuli sa High-Tech Facial Recognition CCTV sa Maynila

Image
Bilang bahagi ng kampanya kontra krimen, naglalagay na ng mga CCTV camera ang lungsod ng Maynila.

Mayroon itong facial recognition feature kung saan matutukoy agad kung wanted ng batas ang isang tao kapag natapat sa camera.


Sinimulan na ang paglalagay ng hanggang 98 CCTV camera na may facial recognition sa mga kritikal na lugar sa lungsod ng Maynila.

Kapag nakunan sa CCTV ang isang tao malalaman agad kung wanted o pinaghahanap siya ng batas.

Lalabas ang kanyang profile at mga huling nagawang krimen.




Ayon kay Yorme Isko Moreno makikipag ugnayan sila sa PNP at NBI para tuloy-tuloy ang update ng records ng mga kriminal.

May night vision din ang mga camera, kaya malinaw na makikita ang mga plaka ng sasakyan kahit na gabi.

Pabor ba kayo na Magkaroon ng Nuclear Power Plant sa Bansa?

Image
Alam ba ninyo na ang Bataan Nuclear Power Plant na ipinatayo ni Pres. Marcos ay ipinatayo din sa Korea nuon?

Oo, ang eksaktong model na meron tayo, ay kanila din ipinagawa. At nung nakita nila na maganda ang naging outcome, ay nagpatayo pa sila ulit ng ilang power plant units.

Kung makikita naman ninyo, ang Korea ay may sariling brands sa pag manufacture ng appliances, gadgets and even vehicles.

Ito ay dahil, mura ang kuryente.

Mura ang produksyon.

Madami ang nabibigyan ng trabaho. Maganda ang naging resulta sa kanilang ekonomiya.

Nuong panahon ni Presidente Marcos, madami tayong factory ng international brands at pati nadin ang pag manufacture ng mga produkto kagaya ng tela, damit, sapatos at iba pa.

Ngunit isa isa 'tong nagsipag sara, nagsipag alisan ang mga investors dahil nag mahal nang nag mahal ang ating kuryente.

Kung sana ay naituloy ang pag gamit ng Bataan Nuclear Power Plant, siguro mas maunlad ang ekonomiya at mas madaming factory meron dito sa Pinas.

Hindi sana nagsis…

UNEDITED: Kim Chiu Interview Matapos ang Insidente ng Pamamaril

Image
Hindi mapigilan ni Kim Chiu ang kanyang luha habang naalala niya ang masamang karanasan na kamuntikan ng kumitil sa kanyang buhay.

Walong beses na pinagbabaril ang van sakay ang aktres na si Kim Chiu sa Quezon City.

Papunta si Kim sa isang taping kasama ang dalawa niyang kasamahan nang mangyari ang insidente sa Katipunan Avenue kanto ng CP Garcia Avenue, Brgy. UP Campus, Quezon City.


Ayon sa driver ni Kim Chiu na si Wilfred Taperla, kalalabas lang nila ng subdivision sakay ng Hyundai H350 na kulay itim nang dikitan sila ng motorisklo na may lulang dalawang lalaki.


Nakarinig daw muna sila ng mga putok ng baril sa likod ng kanilang sasakyan.

Anya, hindi nila alam na sila na pala ang pinapaputukan ng gunman.

Pawang nakasuot ng itim na jacket at helmet ang dalawa at saka pinagbabaril ang sasakyan.

Mabilis tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Katipunan at wala naman nasaktan sa insidente.

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa naturang insidente.

Lola binugbog ng lasing na apo, Napilitan tumakas at sa kalye na natulog

Image
Nanay o Lola ang isa sa mga nagpalaki sa atin noong tayo ay mga bata pa, kaya naman ay dapat natin silang igalang.

Isang nakakadurog ng puso ang trending ngayon sa facebook, isang matandang babae o lola sa Thailand ang nakita sa kalye na nakaluhod at mapapansin ang mga sugat na natamo nito.

Ayon sa uploader sinabi ni lola sa kanya na ang kanyang apo ay lasingero at madalas siyang binubugbog at sinisipa kapag nalalasing ito.

Dahil iisang bahay lang sila nakatira, walang ligtas si lola kapag lasing ang kanyang apo.

Dahil sa mga natamong pambubugbog ng matanda wala na itong napilian kaya tumakas ito sa bahay at natulog nalang sa kalye.

“I am an old woman. What can I do to defend myself? I don’t have the strength.” ayon sa matanda.

Makikita sa mga larawan na sobra sobra ang natamong sugat nito at namamaga pa at may mga pag dugo pa.



Sa kasalukuyan ayon sa post hindi sigurado kung si lola ay ipinadala sa hospital para mapagamot o magkaroon ng pulis report sa ginawang pang-aabuso ng kanyang…

Kim Chiu, Kasama sa 3 Sakay ng Van na Pinagbabaril sa QC

Image
Anim na beses na pinagbabaril ang van sakay ang aktres na si Kim Chiu sa Quezon City.

Papunta si Kim sa isang taping kasama ang dalawa niyang kasamahan nang mangyari ang insidente sa Katipunan Avenue kanto ng CP Garcia Avenue, Brgy. UP Campus, Quezon City.

Ayon sa driver ni Kim Chiu na si Wilfred Taperla, kalalabas lang nila ng subdivision sakay ng Hyundai H350 na kulay itim nang dikitan sila ng motorisklo na may lulang dalawang lalaki.

Nakarinig daw muna sila ng mga putok ng baril sa likod ng kanilang sasakyan.

Anya, hindi nila alam na sila na pala ang pinapaputukan ng gunman.

Pawang nakasuot ng itim na jacket at helmet ang dalawa at saka pinagbabaril ang sasakyan.

Mabilis tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Katipunan

Wala naman nasaktan sa insidente, at agad dumiretso ang aktres sa taping matapos mangyari ang pamamaril.

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa naturang insidente.

Babae na Walang Pamasahe nag amok, Binasag ang Salamin ng Bus

Image
Trending ngayon sa social media ang video isang babae na nag amok dahil wala umano itong pamasahe at binasag ang dashboard ng bus.

Makikita ang isang babae na parang tumatawa pa at may mga bato na ipinanghampas sa salamin.

Panoorin ang video sa ibaba:

Depressed na Sekyu nang-hostage ng 30 katao sa Virra Mall Greenhills sa San Juan

Image
Isang dating security guard ang nang-hostage ng 30 katao sa Virra mall sa Greenhills, San Juan Lunes Marso 2, 2020.

Ayon sa suspek na kinilalang si Alchie Paray ang dahilan ng kangyang pangho-hostage ay ang umano'y korapsiyon sa kanilang opisina at hindi makatarungan na pagsibak sa kaniya sa trabaho.


Hiniling ng suspek na mag-sorry sa kaniya ang mga dati niyang boss at pinagbibitiw ang mga ito sa mga puwesto.

Matapos dinggin ng mga negosyador ang kaniyang mga hiling, sumuko at pinakawalan din ng hostage-taker ang kaniyang mga hostage.

Matandang Naglalakad sa Kalye Bigla Nalang Tinuhod ng Isang Babae

Image
Viral ngayon sa Facebook ang isang video kung saan isang matandang babae na naglalakad sa kalye ang bigla nalang inatake ng isang tila nurse na babae.

Ayon sa uploader ng video nangyari ang insidente sa Lakandula street sa lungsod ng Pasay.
Panoorin ang video sa ibaba:



Naging emosiyonal naman ang mga netizen sa pangyayari:


Dahil sa Kahirapan Estudyante sa Surigao Dahon ng Saging ang Gamit na Notebook

Image
Hindi hadlang ang kahirapan sa estudyanteng pursigidong matuto at makapagtapos.

Binahagi ng isang guro sa kanyang Facebook ang larawan ng kanyang estudyante na nagsusulat lamang sa dahon ng saging.

Ayon sa gurong si Arcilyn Balbin Azarcon, halos madurog ang puso niya nang makita kung saan isinusulat ni Erlande Monter ang natutunan sa Mathematics.

Wala raw pambili ng ibang school supplies ang binatilyo dala ng kahirapan. Kwento ng ina ni Erlande, di raw talaga sumasapat ang kita ng kanyang asawa sa kanilang pamilya.

Katunayan, pag mayroon lamang na sumosobra sa sahod nito, saka lamang sila nagkaka-ulam.

Kasalukuyang nagtratabaho bilang road maintenance worker sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang tatay ng bata na kumikita ng P4,000 kada buwan. Housewife naman ang nanay niyang si Enriqueta.

Samantala, nais lamang daw na ipakita ng guro na di lahat ng estudyante ngayon ay mayroon lahat ng bagay na kanilang kailangan lalo na ang mga pagkuha ng notes na madalas ay cellphon…