Tindero ng Pares na hinoldap at binaril sa Maynila, Pumanaw na!




Binawian na ng buhay ang tindero ng pares-mami na hinoldap at binaril noong nakaraang linggo sa Maynila, ayon sa kaniyang kapatid.

Kinumpirma ni Sydney Bautista nitong Miyerkules na pumanaw ang kapatid niyang si Samson Bautista matapos sumailalim sa isang maselang operasyon sa Philippine General Hospital.

Binaril sa leeg si Bautista ng suspek na si Alexander Ogdamina nang hindi ito pumayag na ibigay ang kaniyang bag na naglalaman daw ng pinaghirapan niyang pera noong nakaraang linggo.

Nang maaresto ang suspek noong nakaraang Miyerkules, tila sinisi pa ang biktima sa nangyari at inamin nito na gumagamit siya ng iligal na droga.

Naiuwi na ang mga labi ni Bautista sa Tiaong, Quezon.

Naulila ng biktima ang kanyang asawa at tatlong anak.

Comments

Popular Posts

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Malunggay, Panlaban sa Coronavirus Ayon sa DOH

Reasons Why Cellphones and Gadgets are Bad For Your Health

Nabugbog sa Maling Akala Pamilya ng Babae, Nagmamakaawa Ngayon kay Kuya