6 Miyembro ng 4P’s Huli sa Aktong Nagsusugal, Inaresto!




Arestado ang anim na ginang sa Brgy. Annafunan, Tumauini, Isabela.matapos mahuli sa aktong pagsusugal ng tong-its.

Ayon kay PMaj Eugene Mallillin, Hepe ng PNP Tumauini, nananatili pa rin sa kanilang kustodiya ang anim na suspek na sina Helen Zipagan, 36 anyos, may asawa; Judith Roriguez, 26 anyos, may asawa; Leticia Denguray, 50 anyos may asawa; Mary Jane Caliguiran , 27 anyos, may asawa; Vicky Canceran 52 anyos, may asawa at Elena Laman, 57 anyos, may asawa na pawang mga walang trabaho at residente ng Brgy. Annafunan, Tumauni, Isabela..

Ayon kay PMAJ. Eugenio Mallillin, Hepe ng PNP Tumauini, Beberipikahin lang sana nila ang kanilang natanggap na sumbong mula sa DSWD subalit nang sila’y makarating sa lugar ay naaktuhan na naglalaro ng ‘Tong-its’ at Pepito ang mga suspek.

Napag alaman pa na miyembro ang anim na nahuli ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4ps sa lugar.

Sinubukan pang tumakas ng mga nagsusugal subalit nadakip rin ang mga ito.

Nabatid na halos araw-araw umano na nagsusugal ang mga nahuli.

Nasampahan na ng kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling ang anim (6) na suspek

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo

Malunggay, Panlaban sa Coronavirus Ayon sa DOH

Truck Driver na sinasabing anak ni John Regala, naluha sa kanilang DNA test result