243 Coronavirus Patients Gumaling na!




Isang magandang balita na maituturing ang paglabas ng 243 na mga pasyente sa Jinyintan Hospital na tinamaan ng kontrobersyal na 2019 novel coronavirus.

Kinumpirma ito ng xinhuanet.com kung saan nagbahagi din sila ng video ng paglabas ng mga pasyente na masisigla na at animo'y walang bakas ng pagkakaroon ng nakamamatay na virus,

Mismong ang National Health Commission (NHC) ng China ang nakasaksi sa paglabas ng 71 na pasyente na masaya nang makakabalik sa kani-kanilang pamilya.


Siniguro naman ng mga ospital na maayos na talaga ang mga kalagayan ng pasyenteng ito sa pamamagitan ng mga lab test na isinasagawa sa mga pasyenteng tinamaan ng nCoV

Samantala hindi pa rin inirerekomenda ng WHO na limitahan ang ang pagbiyahe at pakikipagkalakalan sa China base sa kasalukuyang impormasyon na hawak nila.

Sa Pilipinas, iisa pa rin ang kumpirmadong kaso ng 2019 nCoV. Ito ay ang babaeng mula mismo sa Wuhan at bumaba sa Cebu.

Comments

Popular Posts

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Malunggay, Panlaban sa Coronavirus Ayon sa DOH

Reasons Why Cellphones and Gadgets are Bad For Your Health

Nabugbog sa Maling Akala Pamilya ng Babae, Nagmamakaawa Ngayon kay Kuya