Posts

Showing posts from February, 2020

Tindero ng Pares na hinoldap at binaril sa Maynila, Pumanaw na!

Image
Binawian na ng buhay ang tindero ng pares-mami na hinoldap at binaril noong nakaraang linggo sa Maynila, ayon sa kaniyang kapatid.

Kinumpirma ni Sydney Bautista nitong Miyerkules na pumanaw ang kapatid niyang si Samson Bautista matapos sumailalim sa isang maselang operasyon sa Philippine General Hospital.

Binaril sa leeg si Bautista ng suspek na si Alexander Ogdamina nang hindi ito pumayag na ibigay ang kaniyang bag na naglalaman daw ng pinaghirapan niyang pera noong nakaraang linggo.

Nang maaresto ang suspek noong nakaraang Miyerkules, tila sinisi pa ang biktima sa nangyari at inamin nito na gumagamit siya ng iligal na droga.

Naiuwi na ang mga labi ni Bautista sa Tiaong, Quezon.

Naulila ng biktima ang kanyang asawa at tatlong anak.

Napikon si idol Raffy kay Ate at Pinalayas niya ito sa Studio!

Image
Pumunta ng action center si Alma Ularte upang humingi ng tulong kay idol Raffy Tulfo upang mabawi ang kanyang dalawang anak na kinuha umano sa kanya ng kanyang mister.

Ngunit nagsalita ang kanyang mister at sinabing may pinapatulog na lalaki umano ang complainant sa bahay nito kaya niya kinuha ang mga anak nito.

Marami pang mga rebelasyon ang nalaman ni idol tungkol sa complainant pero biglang nagpantig ang tengga ni idol ng may marinig si idol na galing mismo kay Alma Ularte.

Mang Jun at Sekyu Sumalang sa Lie Detector Test!

Image
Nagharap na sa Raffy Tulfo Action Center ang sekyu at si Mang Jun na nambugbog sa kanya sa isang viral video.

Tinanggap ng security guard na si Harold at driver/vlogger na si Mang Jun ang hamon ni idol Raffy na magpa-lie detector test sila para malaman kung sino talaga ang nagsasabi ng totoo.

Matatandaang binugbog ni Mang Jun ang sekyu na si Harold dahil sa utos daw ng amo niyang vlogger na si Keith Talens, ito'y  matapos i-tsismis umano ni Harold sina Keith sa kanyang fans.

Handa rin daw ihabla ni Harold si Keith sakaling mapatunayan na inutusan nga niya si Mang Jun na saktan siya.

Samantala, 'di sinasagot ni Keith ang mga tawag sa kanya ng Raffy Tulfo in Action para mapakinggan ang kanyang panig.

Driver na Nambugbog ng SG, Sinet-up lang daw ng kanyang Amo na isang Vlogger

Image
Pumunta si Mang Jun sa #WantedsaRadyo para humingi ng tawad kay Harold, ang security guard na binugbog niya sa isang viral video.

Nagawa lang daw ito ni Mang Jun dahil sa utos ng amo niyang vlogger na si Keith Talens.

Sinisiraan daw kasi at tsinitismis pa ni Harold na plastic daw ang kanyang amo sa mga Youtube followers nito.

Itinanggi naman ng vlogger na inutusan daw niya si Mang Jun na saktan ang sekyu at sinabing ginagawan lang siya ng kwento nito.

Dito na ibinuking ni Mang Jun ang panglalamang daw sa kanya ni Talens sa perang kinikita nila sa Youtube at sa 'di pagbibigay ng benepisyo sa kanyang pagtatrabaho bilang driver ni Talens.

Gustong isampal ni idol Raffy ang Pang-areglo ng mga Sangkot sa Pagsunog sa Tindero ng Lobo

Image
Tatapatan daw ni idol Raffy ang perang ibinigay ng mga kaanak ng mga kabatanng sangkot sa pagsunog sa panindang lobo ni Oliver, dahilan kung bakit napinsala siya ng ilang degree ng sunog sa katawan.

Pang-areglo umano ito para 'di na ituloy ni Oliver ang kaso laban sa kanila.

Nawala naman ang galit ni idol Raffy sa naging kulitan nila ng tatay ni Oliver dahil sa effort niya sa paghula sa isang celebrity na kaibigan ni idol Raffy na nagbigay ng tulong pinansyal sa kanila.

Nahulaan mo rin ba kapatid ang aktor na tinutukoy ni idol Raffy?

6 Miyembro ng 4P’s Huli sa Aktong Nagsusugal, Inaresto!

Image
Arestado ang anim na ginang sa Brgy. Annafunan, Tumauini, Isabela.matapos mahuli sa aktong pagsusugal ng tong-its.

Ayon kay PMaj Eugene Mallillin, Hepe ng PNP Tumauini, nananatili pa rin sa kanilang kustodiya ang anim na suspek na sina Helen Zipagan, 36 anyos, may asawa; Judith Roriguez, 26 anyos, may asawa; Leticia Denguray, 50 anyos may asawa; Mary Jane Caliguiran , 27 anyos, may asawa; Vicky Canceran 52 anyos, may asawa at Elena Laman, 57 anyos, may asawa na pawang mga walang trabaho at residente ng Brgy. Annafunan, Tumauni, Isabela..

Ayon kay PMAJ. Eugenio Mallillin, Hepe ng PNP Tumauini, Beberipikahin lang sana nila ang kanilang natanggap na sumbong mula sa DSWD subalit nang sila’y makarating sa lugar ay naaktuhan na naglalaro ng ‘Tong-its’ at Pepito ang mga suspek.

Napag alaman pa na miyembro ang anim na nahuli ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4ps sa lugar.

Sinubukan pang tumakas ng mga nagsusugal subalit nadakip rin ang mga ito.

Nabatid na halos araw-araw umano na nags…

Tindero ng Lobo na Kinawawa ng mga Batang Tolongges, Tutulungan ni idol Raffy!

Image
Inis at galit ang naramdaman ng mga netizen matapos kumalat ang isang video ng mga binatilyong pinagtripang sunugin ang mga lobong paninda ng isang lalaki sa Zamora street, sa Pandacan Manila.

Nagtamo umano ng second degree burn ang balloon vendor sa bandang braso at binti.

Gayunpaman, mas pinili nitong hindi na magkaso kontra sa mga bata at nakipag-areglo na lang na P2,500 kada bata bilang pampagamot.

Ito ay nakarating kay idol Raffy Tulfo kaya naman agad niya itong kinontak upang matulungan

Panoorin ang video sa ibaba:

Napangiti ang mag-inang kasambahay na sinaktan ni Trifona dahil sa mga sorpresa ni idol Raffy.

Image
Inalok ni idol Raffy ng trabaho sa action center ng Wanted sa Radyo ang mag-inang Rhea at Angelina habang inaayos ang kaso nila laban sa dati nilang amo na si Trifona.

Bukod sa tututukan ang pagpapagamot sa mag-ina, bibigyan din sila ni idol Raffy ng negosyo pagbalik nila sa Cebu.

Sa tulong din ni idol Raffy, nag-public apology ang pulis sa Dasmariñas, Cavite na hindi nag-blotter sa insidente noong humingi ng tulong sa PNP ang mag-ina.

Matatandaang naging kasamahan nila noon ang anak na pulis ni Trifona.

Part 3 Idol Raffy, Naiyak sa Awa sa Kuwento ng Bata na Pinagmalupitan ng Amo!

Image
Pinasinungalingan ni Selma Trifona sa WantedsaRadyo ang reklamong pananakit niya raw kina nanay Angelina at Rhea. Pero giit ng mag-ina, sinungaling daw si Trifona at totoong inabuso sila, bagay na pinatotohanan ng medico legal mula sa crime lab ng Camp Crame na positibo sa physical abuse sina Rhea.

Samantala, 'di napigilan ni idol Raffy na maluha nang malaman niya ang iba pang detalye sa pagmamaltrato umano ni Trifona sa kanyang mga kasambahay.

Kahit dumagdag pa ang dalawang pamangkin ni Trifona sa pagtestigo laban sa kanya, itinatanggi pa rin niya ang mga akusasyon laban sa kanya.

Idol Raffy, Naiyak sa Awa sa Kuwento ng Bata na Pinagmalupitan ng Amo!

Image
Pinasinungalingan ni Selma Trifona sa WantedsaRadyo ang reklamong pananakit niya raw kina nanay Angelina at Rhea. Pero giit ng mag-ina, sinungaling daw si Trifona at totoong inabuso sila, bagay na pinatotohanan ng medico legal mula sa crime lab ng Camp Crame na positibo sa physical abuse sina Rhea.

Samantala, 'di napigilan ni idol Raffy na maluha nang malaman niya ang iba pang detalye sa pagmamaltrato umano ni Trifona sa kanyang mga kasambahay.

Kahit dumagdag pa ang dalawang pamangkin ni Trifona sa pagtestigo laban sa kanya, itinatanggi pa rin niya ang mga akusasyon laban sa kanya.

Sinubukang i-modus si idol Raffy Tulfo

Image
Umabot na sa 10 Million subscribers ang Raffy Tulfo in Action YouTube account ni idol Raffy Tulfo.

Sobrang pasalamat ni idol Raffy dahil dito.

Kaya naman bilang pasasalamat ni idol sa mga Raffy Tulfo supporters nagbigay siya ng treat sa mga complainant sa labas ng action center.

Subalit biglang na-highblood si idol sa kanyang natuklasan.

Panoorin ang video sa ibaba.

Pamilyang Intsik Huli Cam Nagpapahid ng Dura sa Elevator Button

Image
Trending ngayon sa Twitter ang isang video kung saan isang pamilya ng Intsik diumanoy na sadyang dumudura sa tissue, at tsaka ito ipupunas sa pindutan ng elevator.

Mapapanuod sa video ang isang lalaki, katabi ng isa pang lalaki at dalawang babae, na ilang ulit na dumura sa tissue paper tsaka nito pinahid ang laway sa elevator button.

Ayon sa uploder na si W.B. Yeats, naganap ito sa probinsya ng Guangxi, at iniimbestigahan na umano ng lokal na pulisya ang insidente.

Narito ang video:
CCTV video caught an alleged Chinese family of four from Guangxi province deliberately spat on tissue paper and smeared their saliva all over elevator buttons.

Sources claimed the local police are investigating on this case
.#WuhanCoronaviruspic.twitter.com/E6d6SMwKQ8 — W. B. Yeats (@WBYeats1865) February 5, 2020

Walang Pasok Friday, Feb. 7, 2020

Image
Kanselado ang ilang mga klase ngayong Biyernes, Pebrero 7, 2020 sa ilang mga lugar sa iba't ibang mga kadahilanan, kabilang ang pag-iingat laban sa pagkalat ng 2019 novel coronavirus.

Province:

Negros Oriental — All levels (Public school)
Schools:

Hope Christian High SchoolTiong Se AcademyPhilippine Cultural College - MainSaint Jude Catholic SchoolSaint Paul College - PasigSt. Stephen's High SchoolUniversity of the East - Manila (Kinder to Grade 12)Uno High School

Chinese National Dinurahan ang isang Pinoy na Pulis

Image
Inaresto ang isang Chinese national na lumabag umano sa number coding sa lungsod ng Maynila.

Ayon sa MTPB, pinara nila ang sasakyan ng Chinese sa bandang Binondo para sitahin.

Ngunit hindi umano sila pinansin ng Chinese na drayber at pinaharurot pa nito ang sasakyan.

Nakabangga pa ito ng ibang mga sasakyan at maging ang motorsiklo ng MTPB na humahabol sa kaniya.

Nagsanib pwersa ang mga pulis para ma-corner ang SUV at nang buksan ang bintana ng sasakyan, nakita ang Chinese national na may babaeng pasahero.

Sa unang imbestigasyon sa loob ng SUV, ilang maliliit na plastic sachet umano ng hinihinalang shabu ang nakita ng mga pulis.

Alert level 2 Nakataas sa Mayon Volcano

Image
May sumisilip na liwanag sa bunganga ng Bulkang Mayon kagabi.

Ayon sa PHIVOLCS, crater glow 'yan at indikasyong may magma na unti-unting umaangat.

Malimit din ang pagbuga nito ng puting usok.

Pero wag umano tayo magpanic mga kababayan.
#MayonVolcano crater glow observed at the summit. Photos taken on 4 Feb 2020, 7:00 PM at the Mayon Volcano Observatory, Ligñon Hill, Legazpi City.

DOST-PHIVOLCS reiterates that Alert Level 2 currently prevails over #MayonVolcano because it is still at a moderate level of unrest. pic.twitter.com/iOcUmIbPmt — PHIVOLCS-DOST (@phivolcs_dost) February 5, 2020
Dahil nanatili lang ang alert level 2 na noong March 2018 pa nakataas.

Ibig sabihin maaring palawigin sa 7 kilometers ang wages ng danger zone ng bulkan.

Walang kailangan ilikas.

DOH Kinumpirma ang ikalawang kaso ng Coronavirus sa Bansa

Image
Kinumpirma ni DOH Secretary Francisco Duque III ngayong Linggo, Pebrero 2, ang ikalawang kaso ng 2019 novel coronavirus sa bansa.

Sa isang press conference, sinabi ni Duque na pumanaw ang isang 44-anyos lalaki na Chinese.

Nagpositibo rin ang biktima sa virus.

Ang 44-anyos na lalaking Chinese ay galing Wuhan, China.

Siya ang kauna-unahang nasawi sa nasabing sakit dito sa Pilipinas at unang kaso na may namatay dahil sa nCoV sa labas ng China.

Sa ngayon, sinabi ni Duque na nakikipag-ugnayan na ang DOH sa embahada ng China para sa mga labi ng lalaking Chinese.

Samantala, sinabi ni Duque na 24 na patients under investigation ang nag-negatibo sa coronavirus.

243 Coronavirus Patients Gumaling na!

Image
Isang magandang balita na maituturing ang paglabas ng 243 na mga pasyente sa Jinyintan Hospital na tinamaan ng kontrobersyal na 2019 novel coronavirus.

Kinumpirma ito ng xinhuanet.com kung saan nagbahagi din sila ng video ng paglabas ng mga pasyente na masisigla na at animo'y walang bakas ng pagkakaroon ng nakamamatay na virus,

Mismong ang National Health Commission (NHC) ng China ang nakasaksi sa paglabas ng 71 na pasyente na masaya nang makakabalik sa kani-kanilang pamilya.


Siniguro naman ng mga ospital na maayos na talaga ang mga kalagayan ng pasyenteng ito sa pamamagitan ng mga lab test na isinasagawa sa mga pasyenteng tinamaan ng nCoV

Samantala hindi pa rin inirerekomenda ng WHO na limitahan ang ang pagbiyahe at pakikipagkalakalan sa China base sa kasalukuyang impormasyon na hawak nila.

Sa Pilipinas, iisa pa rin ang kumpirmadong kaso ng 2019 nCoV. Ito ay ang babaeng mula mismo sa Wuhan at bumaba sa Cebu.

Yorme Isko Napasabak sa Bawal Judgmental February 1, 2020

Image
Guest ngayong Sabado si Manila City Mayor Isko Moreno sa Bawal Judgmental ng Eat Bulaga.

Ano kaya ang mga tanong kay Yorme?

Simulan na ang pagkilatis kasama si Mayor Isko "Yorme" Moreno!

Panoorin ang video sa ibaba