Parusa sa tatay na hindi magbibigay ng sustento sa anak

Maituturing na kasong kriminal ang hindi pagbibigay ng sustento sa anak.
Ito ay binabase sa mga pangangailangan ng bata at sa pagkukunan ng magulang.
Nangangahulugan na hindi "fixed amount" ito, maaring mabago depende sa kailangan ng bata. Ang magulang na tumanggi o hindi makapagsustento ay lalabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and Children Act (VAWC).
Kahit pa di kasal ang mga magulang ng bata, may karapatan pa rin itong humingi ng sustento sa ama o sa ina niya. Maari rin naman daw daanin sa legal na proseso ang lahat.
Kung may sapat na pera, maaring kumuha ng abogado na siyang mag-aasikaso paano mo maisasagawa ng naayon sa batas ang pagkuha ng sustento sa anak.
Comments
Post a Comment