Pangulong Duterte, posible umanong magdeklara ng Revolutionary Government

Posibleng magdeklara ng revolutionary government si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kapag malagay sa alanganin ang gobyerno dahil sa ilang grupong nagtatangakang pabagsakin ang kanyang administrasyon.
Ayon sa Pangulo may mga grupo umano na nagpopondo at nagbabalak na i-destabilize ang gobyerno.
Direktang tinukoy ng Pangulo ang mga oligarchs na nagpopondo sa plano kasabwat ang mga militante at mga komunista at maging ang CIA.
Hindi aniya kailangan pa ang martial law dahil kailangan pa niyang magreport sa kongreso at mas madali ang revolutionary government.
Comments
Post a Comment