NBA Superstar Kobe Bryant, Patay sa helicopter crash

Patay sa helicopter crash ang NBA Superstar na si Kobe Bryant, 13 anyos na babaeng anak nitong si Gianna Maria Onore at kasama ang pitong iba pa.
Ayon sa report, pasado 10:01 a.m. sa Amerika, Enero 26, nang makita ng ilang mga indibidwal ang pagbagsak ng helicopter.
Ayon sa sheriff ng Los Angeles, patay lahat ng lulan nitong pasahero at walang nakaligtas.
Patungo sana sa basketball game ni Gianna sa Thousand Oak, California ang mag-amang Bryant ng magkaproblema ang sinasakyan nilang helicopter.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng pagbagsak ng sinasakyang helicopter ng basketball legend.
Comments
Post a Comment