Good Manners and Right Conduct, balak ibalik ng gobyerno sa mga paaralan

Nais ni Sen. Juan Miguel Zubiri na ibalik ang subject na Good Manners and Right Conduct (GMRC) sa lahat ng levels mula K to 12.
Tumaas umano ang kriminalidad sa bansa mula nang mawala ang GMRC, gayundin, kapansin-pansin umano ang pagiging pasaway, bastos at pagkawalang-disiplina ng mga estudyante.
Ayon kay Zubiri, pangunahing may-akda ng nasabing panukala, kapansin-pansin na nag-iiba na ang ugali ng mga kabataan sa kasalukuyan kumpara sa nakalipas na taon.
Marami ang pabor sa pagbabalik ng GMRC bilang subject upang maturuan ng disiplina at kagandahang-asal ang kabataan.
Sa ilalim ng GMRC Act, nais ni Zubiri na isama ito sa curriculum sa elementary at high school levels.
Ang GMRC ay nagtuturo ng paggalang, pagiging tapat, pagtulong, malasakit sa kapwa, pagsunod sa batas at sa mga nakakatanda.
Dapat aniyang dinidisiplina ang mga mamamayan habang mga bata pa lamang upang hindi lumaki na walang respeto at madaling maakit ng iligal na droga at mapasama sa mga masasamang grupo.
Inihalimbawa ni Zubiri ang Singapore at Japan kung saan ang disiplina at pagrespeto ay itinuturo sa mga eskuwelahan.
Comments
Post a Comment