Posts

Showing posts from 2020

Libing ng mag-inang Sonia at Anton Gregorio Dinagsa ng Libo-libong tao sa Tarlac

Image
Napuno ng kalungkutan at paghihinagpis nang inihatid na sa kanilang huling hantungan ang mag-inang sina Sonia at Frank Gregorio nitong Linggo ng umaga, Disyembre 27, 2020. Umaga palang ay marami na ang nagdagsaang mga tao na nais makiramay at makipagdalamhati sa pamilya Gregorio sa kanilang bahay sa Tarlac at karamihan dito ay kanilang mga kababayan, kamag-anak at mga kaibigan na naghihinagpis sa pagpanaw ng mag-ina. Narito ang mga kaganapan sa libing nina Sonia at Frank Gregorio sa Tarlac

Pangulong Duterte kinansela ang face-to-face class sa banta ng bagong strain ng COVID-19

Image
Pangulong Duterte binawi ang plano sanang pagbabalik ng face-to-face class sa mga lugar na may mababang kaso ng COVID-19 bilang pag-iingat sa banta ng bagong strain ng naturang virus. "I'm calling back the order and I will not allow face-to-face classes for children until we are through with this. We have to know the nature of the germ that we are confronting," sabi ng Pangulo sa post-Christmas meeting sa mga miyemro ng IATF. “I am canceling the order I gave a few days ago, a few weeks ago to Secretary Briones of the Education Department. To suspend everything, all activities of children, especially ‘yung face-to-face classes,” dagdag pa niya.

Batangas, Niyanig ng Magnitude-6.3 lindol sa araw ng Pasko

Image
Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang nasabing probinsya bandang 7:43 ng umaga sa mismong araw ng Pasko. Naitala ang episentro ng lindol sa Calatagan, Batangas ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Batay sa PHIVOLCS, namataan ang epicenter ng lindol sa Calatagan sa Batangas na may lakas na magnitude 6.3. Nasa 74 kilometers ang lalim ng lindol, habang tectonic naman ang origin nito. Inaasahan ang aftershocks. Mababatid na naitala ang sumusunod na intensities: Intensity V - Calatagan, Balayan, Nasugbu, Batangas City, Balayan, Calaca and San Luis, Batangas; Tagaytay City, Amadeo, Indang, Kawit, and Alfonso, Cavite; Lubang and Looc, Occidental Mindoro; Biñan, Laguna Intensity IV - Abra de Ilog and Paluan, Occidental Mindoro; Taal, San Jose, San Pascual, Lemery, Malvar and Ibaan, Batangas; Maragundon and Carmona, Cavite; San Pedro, Laguna; City of Manila; Marikina City; Quezon City; Cainta, San Mateo and Antipolo City, Rizal; Pasig City; Las Piñas City; Obando, Malolo

Anak na babae ni PSMSgt. Nuezca isasailalim sa counseling ayon sa Paniqui police chief

Image
Ang anak na babae ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca ay sasailalim sa counseling kasunod ng fatal shooting incident na nasaksihan niya sa Paniqui, Tarlac noong Linggo. Ang hepe ng Paniqui Municipal Police Station na si Police Lieutenant Colonel Noriel Rombaoa ay nagsabi na nakipagtulungan na ang pulisya sa Department of Social Welfare and Development hinggil sa bagay na ito. "Mayroon na po kaming koordinasyon sa DSWD for counseling kasi kailangan po nating i-counsel 'yung bata," sabi ni Rombaoa. "Automatic naman po sa DSWD na they will conduct counseling doon sa bata," dagdag niya. Sinabi ni Rombaoa na ang mga bata na mula sa kampo ng mga biktima ay sasailalim din sa counseling. Ang anak na babae ni Nuezca ay nakitang kumukuha ng video sa mainit na pagtatalo ng kanyang ama sa mga biktimang si Sonya Rufino Gregorio at kanyang anak na si Frank Anthony. Isang video, na nakuha ang insidente, ay ipinakita na ang anak ng pulisya ng pulis ay sumiga

Pamilya ng mag-inang binaril ng pulis, naging emosyonal sa burol nina Nanay Sonya at Anthony Gregorio

Image
Emosyonal ang pamilya ng mag-ina sa Paniqui, Tarlac na pinaslang ni SMSgt. Jonel Nuezca. Labis ang paghihinagpis ng mga kaanak sa pagdating ng labi ng mag-inang Sonia Gregorio at Frank Anthony Gregorio sa kanilang bahay. Biktima ng pamamaril ng pulis na si Jonel Nuezca ang mag-inang Gregorio dahil umano sa alitan sa boga. Hawak na ng mga awtoridad si Nuezca at nahaharap sa kasong murder. Mapapanood sa video ang matinding pag-hagulgol ng mga kaanak nila Sonya at Frank Anthony. Kitang-kita sa video ang pait at hinanakit na nadarama ng mga mahal sa buhay ng mga biktima. Dahil sa video, maraming netizens ang naging emosyonal din sa nakitang lungkot ng mga naulila.

Pahayag ng isang Pulis tungkol sa pamamaril ng kapwa pulis, ikinagalit ng mga Netizens!

Image
Trending sa social media ang video footage ng ginawang pamamaril ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-inang Sonya Gregorio at Frank Anthony Gregorio dahil lamang sa away sa pagpapaputok ng boga at nakaraang alitan sa lupa sa Paniqui, Tarlac. Kabi-kabila ngayon ang sigaw ng mga tao na mabigyan ng hustisya ang nangyari sa mag-inang Gregorio. Kung hindi man pagkakakulong, kamatayan din umano ang gustong hatol ng mga ito sa naturang pulis na base sa video ay walang anumang pagdadalawang-isip sa kanyang ginawa. Ngunit, sa kabila nito ay mayroon pa ring mga indibidwal na salungat ang pananaw mula sa karamihan na agad namang nakatanggap ng pambabatikos at pagkadismaya mula sa publiko. Kabilang na dito ang isa ring umano’y pulis na si Ariel Ruego Buraga. “My Father is a Policeeeee Mannnnn ha!!! I don’t care eh eh eh eh eh err!!! P@#¥ng ina mo tapusin na kita ngayon???? Bang Bang Bang Bang… “Lesson learned. Kahit maputi na ang buhok o ubanin na, tayo eh matutuo tayo rumespeto sa ating mga Kapulis

Salaysay ng apo ni Sonya Gregorio, ang kumuha ng video ng pamamaril ng pulis sa mag-ina sa Tarlac

Image
"Narinig ko po bigla na 'gusto n'yo patayin ko kayo' sabi niya pong gano'n. Tapos po sakto po pagharap po saka niya binaril po sina Lola Sonya," kuwento ni Alyssa Calosing, ang kumuha ng video sa pamamaril ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-ina sa Tarlac nitong Linggo. "Yumakap na po siya kay Kuya Frank kasi aarestuhin daw po ng pulis. Pilit po siyang binibitbit. Napunit na nga po yung short niya, pero si Lola Sonya, ayaw niya pong bitawan." Nang tanungin kung ano ang ginawa ng pulis matapos ang pamamaril, sinabi ni Alyssa na "kinuha niya po 'yong anak niya tapos naglakad lang po sila nang parang wala lang..." "Kinuha niya po yung anak niya tapos naglakad lang po sila na parang wala lang..."

Idol Raffy Tulfo, siniguradong makakamit ang hustisya ng mag-inang pinaslang ng pulis

Image
Nakarating na rin kay Raffy Tulfo na patong-patong na kaso na ang isinampa sa pulis na si Jonel Nuezca ngunit karamihan dito ay na-dismiss dahil di umano sa kakulangan ng ebidensya. Ngayong may mabigat na ebidensyang hawak ang pamilya ng mga biktima, sisiguraduhin ni Tulfo na tutulong sila na makamit ang hustisya.  "'Pag dinismiss niyo po itong kaso, magkakagulo ang Pilipinas. I'm telling you!" babala ni Tulfo.   "I'm giving you a warning, ang buong Pilipinas magkakagulo, kasi po dun sa dalawa na pumatay siya ng tao na-dismiss po di po ba? Tuloy tuloy pa rin ang pagsisilbi niya pati sa korte" "I'm giving a warning sa lahat ng korte natin, witness po yung buong bayan, pag ito po ay na-dismiss, sasabihin ko pag nagkagulo, Itold you so!" dagdag pa ni Tulfo.

"My Father is A Policeman", Pamamaril ng Pulis sa Tarlac Inaksyunan na ni Idol Raffy Tulfo

Image
Nakarating na kay idol Raffy Tulfo ang kaso ng pagkamatay ng isang mag-inang sina Sonya Rufino Gregorio at anak na si Frank Anthony sa Tarlac. Sa kanyang programa naka-usap niya ang magkabilang panig, ang pamilya ng biktima at maging ang tiyuhin ng asawa ng namaril na pulis. Samantala tiniyak ng DOJ na mabibigyan ng hustisya ang mag-ina na pinatay ng isang pulis sa Paniqui, Tarlac.  Magugunita na sinugod ng suspek na si Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca ang bahay ng mga biktima matapos makarinig ng pagsabog ng boga.  Kusang loob na sumuko sa police station sa Rosales, Pangasinan ang suspek.  Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, nakakabahala ang pangyayari na nakuhanan pa ng video. Inatasan ng Justice Secretary na agad magsagawa ng preliminary investigation sa sandaling maisampa sa kanila ang mga kaso. Siniguro ni Guevarra na tutuyukan nito ang kaso upang matiyak na mabibigyan hustisya ang mga biktima.

'Show no mercy' Pulis na namaril sa mag-ina sa Tarlac, nahaharap sa patung-patong na kaso

Image
Sumuko sa Rosales Municipal Police Station nitong Linggo ng hapon ang pulis na si Jonel Nuezca, na binaril ang mag-inang kapitbahay nito sa Paniqui, Tarlac. Isinuko rin ng suspek ang Beretta 9mm pistol na ginamit sa pagpatay kina Sonya at Frank Anthony Gregorio, maging ang PNP ID at mga bala ng baril.  Kasalukuyang nakakulong si Nuezca sa Paniqui Municipal Police Office habang patuloy ang imbestigasyon. Naunang ipinaalala ni Paniqui Police chief Lt. Col. Noriel Rombaoa sa pulisya na panatilihin ang maximum tolerance sa sinumang mamamayan na lumalabag sa patakaran sa paggamit ng paputok sa panahon ng kapaskuhan. “Sa mga kasamahan po natin sa pulisya dapat self-control kasi nga maximum tolerance tayo, tayo ang may armas,” ayon kay Rombaoa. “Kung merong umaagrabiyado sa atin merong right forum po riyan. Puwede nating kasuhan, not to the point na gagamitin natin ang baril natin,” giit pa ng opisyal.

Actual Footage Pulis Parañaque, huli cam sa pagbaril sa nakaalitang mag-ina sa Tarlac

Image
Patay ang isang mag-ina sa Paniqui, Tarlac, matapos barilin ng isang pulis na kanilang nakaalitan. Sa kuha ng video, makikitang yakap-yakap ni Sonya Gregorio, 52, ang anak na si Frank Anthony Gregorio, 25, na nakikipagtalo sa pulis na si Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca. Sa kasagsagan ng away ay binaril ng pulis sa ulo ng tig-dalawang beses ang mag-ina. "Right of way" daw ang pinag-ugatan ng away ng suspek at ng mga biktima. Ayon sa witness may nagpaputok umano ng boga, 'yung PVC na during New Year pinapaputok. Narinig ng pulis. Magkapitbahay lang sila. Nagpunta ang pulis sa bahay ng biktima at nagkaroon sila ng pagtatalo. "Then naungkat 'yung matagal nilang alitan tungkol sa right of way. Doon nagsimula ang pagtatalo nila na umabot na sa pamamaril ng ating suspek." Nagsisisi ang suspek at handa itong humarap sa korte. Nahaharap ang pulis sa kasong double murder.

Hipon Girl at Miss Manila, nagkainitan sa ‘Tutok to Win!’

Image
Aired on December 18, 2020 ang inaabangang paghaharap nina ‘Sexy Hipon’ Herlene at Miss Manila Alexandra Abdon, naganap na. Naging mainit ang naging palitan ng mga salita nina ‘Sexy Hipon’ Herlene at Miss Manila Alexandra Abdon habang ipinapaliwanag nila ang kanilang mga paninindigan. Best of netizens comments: Jessica Absalon: "I stand for hipon 🙌💕" Teresita Villanueva: "At least Hipon is accepting her shortcomings" Mi Familia: "You just publicly humiliated yourself Ms. Manila, effortlessly. Try to rewatch this video and see if you were satisfied with what you did to yourself. Idk what you're trying to prove towards Herlene. She became classier than you are after this. #justsaying" JOHN DAVE TITULAR filo weeb: "No one is born ugly, we just born in judgemental society" Joana Life: "Aminin naten di kagandahan si miss manila? HAHAHAHAHAHA YUNG FEELINGERA JOKER🙄" Mr. President:"Disappointed with Ms. Manila, p

Magpaparol, iniwan sa ere ng customer niyang umorder ng P70,000 halaga ng mga parol

Image
Biglang napundi ang negosyo ng isang magpaparol matapos siyang iwan sa ere ng customer niyang umorder ng parol na nagkakahalagang P70,000. Mabuti na lang at may nagmabuting loob na pakyawin ang kaniyang mga produkto.

Misis, Nakipag-short time kay barangay captain

Image
Iniharap ni Marcelo sa programa ni Idol Raffy Tulfo ang misis niyang si Sheryl.  Inamin at ikinuwento ni Sheryl on air kung paano siya ginawang kabit ng kanilang kapitan na si Alejo. Matapos umamin sa ere sa ginawang pakiki-apid, umiiyak na nag-makaawa si Sheryl kay Marcelo.  Patawarin pa kaya siya ng kanyang mister, o itutuloy nito ang kaso?

Viral Video ng Pagdukot sa isang Binata sa Baguio, Inaksyunan ni idol Raffy!

Image
Lalaking dinukot sa Baguio, natagpuang pugot ang ulo. Nagpasaklolo na kay idol Raffy ang ina ng isang lalaki na dinukot sa tapat mismo ng kanyang bahay sa Baguio. Sophia Reyes: "Idol raffy sna mabigyan ng hustisya c kabayan....My deepest sympathy Condolence to d family...." Kaye See: "How disturbing to see a mother in complete distress and fear 😔" Glorilyn Sto. Domingo: "idol baka po sila naman balikan nung pumatay sa anak nila dahil lumapit po sila sainyo. sana din po mabigyan ng proteksyon family nila 🙏" Sunshine Ruth: "Mukhang takut na takut yung nanay,protection para sa family" TOURNAMENT! 5v5: "Parang may something sir raffy.. Mukang tintakot na sila nanay. D nman mag lalakas loob ng ganyab yan kung walang koneksyon sa gobyerno yan.. Sana matanggap ang hustisya" Nicole vlog: "Nakakatakot naman to jusko natakot aq sa hagolhol ni nnay na khit marami pa sana syang sasabihin natatakot na sya mg salita.

Ex-GF, kinuha ang ATM card ng sundalong BF bilang bayad sa sama ng loob

Image
Humingi ng tulong kay Idol Raffy Tulfo ang sundalong si Pvt. Alfredo Ariego para makausap ang ex-girlfriend niyang si Jonna Marie Robles. Blinock umano siya ni Jonna sa social media matapos makuha ang kanyang ATM card noong nagkahiwalay sila. Depensa naman ni Jonna, ito ang dapat na ibayad ni Alfredo para sa mga sama ng loob na naramdaman niya sa panloloko sa kanya noong nagsasama pa sila.

'MotherF****r!' Idol Raffy minura ng isang call center agent?

Image
Mga netizen, pikon na pikon sa isang call center agent na saksakan daw ng yabang. Jerry Abanto: "Sir Raffy mawalang galang po at minura po kayo sa pagitan ng time na 11:54. " Rosemarie Pinote: "Bweset nakakapikon tong lalaki nato panay english feeling amercano lapad namn ng ilong peste." Ice Perez : "Idol raffy ipa replay nyo minura kayo nung bjorn kasuhan nyo." Libra Queen: "arrogant....his company should fire him immediately....." MARIAng SinawingPALAD: "Hey you englishing me more ✌😂 Wag OA ha, CCA din ako pero kapag tagalog ang kausap, obviously tagalog din response ko... Feeling mo ikakatalino mo ang pagsasalita ng english 😁" Bong Flores: " May pinag aralan “pro bastos”..In short my brain damage ata yn.." Donita Rose: "Diniactivate bigla nitong Budoy na Bjorn Malagueno FB nia, 🤣 Takusa naman pala." YsabeLe Cuaresma: "LoL! Freedom of Speech my ass 😅 . Hays! Poor Kids 😔 “Many Peop

Matapang na kabit, handang samahan si mister sa kulungan

Image
Inireklamo ni Evangeline Pascual ang mister niyang si Mario at ang kinakasama nito ngayong si Cristy Bonifacio. Kuwento ni Evangeline, si Cristy pa ang matapang sa tuwing iginigiit niya ang kanyang karapatan.  Maging si Sharee Roman, co-host ni Idol Raffy, nabungangaan ni Cristy habang ipinapaliwanag ang kanyang panig. Hiniling ni Evangeline na ipahuli ang mister niya at ang kabit nito.  Pero ang sagot ng dalawa, willing daw si Cristy at Mario na makulong dahil sa kanilang pagmamahalan.

Babae, pinagbantaan at hina-harass umano ng fiancé ng naka-chat niyang Briton

Image
Humingi ng tulong si Melody Mendez kay Idol Raffy Tulfo dahil sa pananakot at panghaharass sa kanya umano ni Fritzie Politowicz, fiancé ng nakausap niyang foreigner. Matapos daw maka-chat ni Melody si Mark Politowicz, pinagbantaan na siya sa text ni Fritzie.  Nakapagpadala pa raw kasi ng pera si Mark kay Melody at hindi sinabi na may karelasyon na siya, ayon kay Fritzie.  Dagdag pa ni Melody, ilang araw siyang hindi makatulog dahil may mga umaaligid sa kanilang barangay na may dalang full body picture niya at hinahanap kung saan siya nakatira. Nag-public apology naman si Fritzie sa mga sinabi niya sa text. Pero itinanggi niya na may kinalaman siya sa mga umaaligid kina Melody.

"Salamat Anak" 60-anyos Lolo na nagtitinda ng basahan, babaguhin ni idol Raffy ang Buhay!

Image
"Maagang pamasko ni Idol Raffy sa isang matandang vendor." Ipinahanap ni Idol Raffy Tulfo sa kanyang staff ang 60-anyos na stroke survivor na si tatay Armando Marcelo para mabigyan ng maagang Pamasko. Nag-viral kamakailan ang isang video kung saan kita si tatay Armando na naglalako ng mga basahan sa palengke ng Pasig City. Nagtitinda siya para may pambili siya ng kanyang mga gamot. Dito rin niya kinukuha ang pandagdag sa kanyang mga gastusin. Wala siyang asawa't anak at nakikitira ngayon sa kanyang pamangkin.

Mang Jun Naiyak sa resulta ng Lie Detector Test nila ni Keith Talens

Image
Matapos ang ilang buwan, lumabas na ang lie detector test ng vlogger na si Keith Talens at Mang Jun. Ibinahagi ni Idol Raffy Tulfo ang resulta ng lie detector test ng vlogger na si Keith Talens at ng dati niyang driver na si Mang Jun.  Matatandaang inireklamo nila ang isa't isa sa Wanted sa Radyo noong Pebrero.  Nasangkot sila sa iba't ibang isyu kasama na ang pambubugbog ni Mang Jun sa sekyu sa subdivision na tinitirhan ni Keith.  Pero bukod sa resulta ng lie detector test, naglabas ng warrant of arrest ang korte para kay Mang Jun kaugnay sa reklamong libel na isinampa noon ni Keith laban sa kanya.   

Mga donasyong damit para sa nasalanta ng bagyo, ibinasura lang sa ilog at kalsada

Image
Ikinabahala ng maraming netizens ang mga donasyong damit na tila itinapon lang sa ilog at kalsada sa Rizal. Ang mga damit ay ibinahagi ng mga nagmamalasakit na kababayan para sana'y magamit ng mga residenteng nasalanta ng mga nagdaang bagyo sa bansa. Ayon sa Facebook post ng netizen na si Sidney Batino , "Para po sa lahat na magbigay ng relief sa Rizal, Sana po maiibigay sa mas deserved na bigyan para po hindi matulad nyan itinapon lng sa kalsada at sa ilog. " "Nakakasama lang ng loob pag nakita mo na ganyan mangyari na binigay mong tulong sa kanila. " "Hanap po tayo ng mas nangangailangan ng tulong yung hindi masayang yung efforts at pagod. . .#RIZAL"  Ayon naman Department of Social Welfare and Development o DSWD, dini-discourage nila ang donasyong "used clothes" sa panahon ng mga kalamidad sapagkat nakapagpapababa raw ito ng dignidad ng mga survivors at maaari pa silang mahawa ng karamdaman mula sa iba. Para po sa lahat na magbig

Babaeng mayaman tinawag na "patay gutom" ang mga staff ng convenient store nais ipa-Tulfo ng mga netizens

Image
Viral ngayon sa Facebook ang isang video kung saan makikita na isang babae ang nangmamaliit sa mga staff ng isang convenient store. Ayon sa babae na tila lasing, siya umano ang may-ari ng nasabing convenient store. "Para sabihin ko lang sayo, akin to!" Makikita rin na walang suot-suot na face shield o kahit na face mask ang naturang babae. Ayon sa uploader na si Jude Paremo, "I feel sorry sa staff ng Store. Di naman mabigat sa ating mamayan kung susundin natin ang Pagsuot ng Faceshield at facemask, tapos kung bastusin at sabihing "patay gutom" ang mga nagtatrabaho lamang ng maayos. 👎" Dahil dito inulan nang  pang babash mula sa mga nayabangang netizen ang naturang babae, at hiling nila ma-Tulfo ito para mabigyan ng leksyon: "Stupid lady just follow there protocol or rules" "#raffytulfoinaction na yan tingnan natin kong makapagsalita ka pa baboy ka..gigil mo akets.." " #raffytulfoinaction Kapal ng moka ne ate " "Totoo ban

Ka Tunying: "Akala ko malakas na ako, marupok pala.."

Image
Bumilib ang mga netizens sa tapang ng panganay na anak ng broadcast journalist na si Anthony "Ka Tunying" Taberna na nakikipaglaban ngayon sa salit na leukemia. Sa unang pagkakataon, ipinost ni Ka Tunying ang litrato ni Zoey sa kanyang Instagram account matapos nga itong magpakalbo dahil sa kanyang chemotherapy. "Hindi ko akalain na papayag si Zoey na ipakita sa madla ang larawan na ito. Nakangiti siya pero alam kong durog na durog ang puso niya nung nag umpisang malugas ang kaniyang buhok dahil sa chemotherapy. Nung pumayag si Zoey na magpakalbo at nalaman kong papunta na sa ospital ang misis ko kasama si Ate Tet, umalis na muna ako. Akala ko ay malakas na ako. Marupok pala. May video habang kinakalbo si Zoey. At tuwing makikita ko iyon, hindi ko Mapigil ang pagpatak ng aking luha. Ang wala o maikling buhok ang isa sa dahilan ng insecurity ni Zoey. Pero nung makita kong ipinost niya, nagpaalam ako na ipo-post ko rin. Hanga ako sa tapang ng aming panganay. I love you,

Mister na sinasaktan ni Misis sa Viral Video, inaksyunan na ni idol Raffy Tulfo

Image
Umabot na sa programa ni idol Raffy Tulfo ang viral video kung saan makikita ang matinding pananakit ng isang misis sa kanyang mister. Ayon sa anak ng biktima na uploader ng video na si Kristine Ann Maravilla, madalas talaga umanong nasasaktan ng kanyang step mother na si Juwena Dela Peña ang kanyang amang si Anthony Maravilla. Hindi rin daw  maawat ni Kristine ang kanyang madrasta sa pananakit sa kanyang ama dahil mas malaking babae umano ito kesa sa kanya. Sa interview, umamin ang biktima na noon pa man ay nananakit na talaga ang kanyang kinakasama at matapos ang mahigit isang taon ay tila natauhan na siya na iwanan na ito.  Ayaw pang makipaghiwalay ni Juwena at umaasa pa siyang babalik pa sa kanya si  Anthony subalit mismong si idol Raffy na ang tumulong na kumbinsihin ito na hiwalayan na lamang ang mister at baka tuluyan pa rin niya itong masaktan kung sila'y magsama muli.

Mag-ingat! Unan na binebenta sa murang halaga, used face mask pala ang laman

Image
Unan na ibinebenta sa murang halaga, used face masks ang laman. Maliban sa posibleng carrier ng COVID-19 ang gumamit sa masks, kailangan talagang maitapon ang gamit na face masks dahil sa mga chemical at ingredients nito Ayon sa netizen na si Jovelyn Sarmiento Gabelo,  “Maging aware po tayong lahat sa mga bumili ng unan sa halagang 50 pesos sa mga naglalako diyan.  Ang laman po ng unan ay mga gamit na face mask! Maraming sakit po ang makukuha natin dito. Isa na ang COVID-19.” Sabi pa ni Gabelo, napabili silang magkakapitbahay sa Barangay Uno Extension, Carmona, Cavite. "Nabiktima mga kapitbahay namin dito sa brgy uno ext!. Carmona, Cavite..Keep safe po sa lahat." Sa isa pang Facebook post ng netizen na si LC Bubot, Sabi niya,  “Hello good day! Nakita ko lang. Repurposing of face masks? Okay sana ‘yung idea, basta siguro na-disinfect/nalabahan naman ‘yung mga face masks. Any thoughts on this?”

Pamilya ni April Boy ipapa-Tulfo ang Ospital sa pagkamatay ni April Boy Regino?

Image
"Humanda kayo, hindi natutulog ang Diyos! Hindi po siya inasikaso..5 oras siyang naghintay.. naka-schedule sa kanya pero ibinigay sa iba.. Kung hindi dahil sa inyo hindi pa sana patay ang kapatid ko!" -Vingo Regino Muling naglabas ng sama ng loob ang kapatid ni April Boy Regino na si Vingo sa ospital kung saan nagpapa-dialysis at nasawi si April Boy. Nauna nang nagbigay ng pahayag ang asawa at anak ni April Boy at kinumpirma nila na hindi nabigyan ng tamang atensyon ang singer nang pumunta sila sa ospital para magpa-dialysis at naging sanhi ng kanyang hindi inaasahang pagkasawi. Ngayon naman ay kinastigo ng nakababatang kapatid ni April Boy ang nasabing ospital. Ayon sa kanya 5 oras umanong naghintay ang kanyang kapatid para sa naka-schedule na mag-dialysis ngunit mas inuna umano ng ospital na asikasuhin ang ibang tao. Gumagawa na raw ng hakbang ang kanilang pamilya upang mabigyan ng katarungan ang pagpanaw ng kapatid. Lumutang pa ang isyu na ipapa-Tulfo ang naturang ospital.

Pangulong Duterte matagal nang nagpapadala ng monthly financial support kay April Boy ayon sa Misis niyang si Madelyn Regino

Image
Noong Lunes, Nobyembre 30, ay nagpasalamat si Madelyn Regino, ang asawa nang namayapang singer na si April Boy Regino sa mga supporters ng kanyang asawa at lalo na kay Pangulong Duterte para sa tulong medikal na ipinagkaloob sa "Di Ko Kayang Tanggapin" singer-songwriter bago ito pumanaw. Ayon kay Madelyn, nagpadala si Pangulong Duterte ng buwanang tulong pinansyal para sa mga maintenance medicines ni April Boy mula pa noong siya ay alkalde ng Lungsod ng Davao.  "Maraming Salamat sa aming Mahal na Mahal na Pangulo Duterte na Mula Noon Hanggang Sa Huling Laban Ng Buhay Na Aking Mahal na Mahal na Asawa Idol April Boy Regino ay hindi niya ito binitawan. Sa hindi po nakakaalam si Tatay Digong po ang nagbibigay buwan buwan para sa maintenance ng mga gamot ni Idol, simula pa nun Mayor pa lang siya hanggang sa naging Presidente na siya. Gayundin sa aming Mahal na Senator Bong Go at sa lahat ng nakiramay sa unang gabi at sa lahat ng nakikisampatiya sa fb,messenger, celpo

Asawa ni April Boy Regino ipinagtapat ang may kasalanan sa pagpanaw ni April Boy Regino

Image
Dinarayo ngayon ng mga kaibigan, kapamilya at mga fans na nagmamahal kay April Boy Regino ang funeral wake ng singer kung saan nakalagak ang kanyang mga labi sa Marikina. Matatandaan na pumanaw si April Boy madaling araw ng Lingg, November 29, 2020. Ayon sa kanyang asawa nagkaroon ng chronic kidney disease si April Boy kung saan nasa stage 5 na ito at acute respiratory disease ang naging sanhi ng kanyang pagpanaw. Subalit may ipinagtapat pa si Madelyn Regino.  Malungkot niyang ikinuwento na naka-schedule sanang sumailalim sa dialysis si Apri Boy noong araw din ng ito ang pumanaw. Ayon kay Madelyn 1:00 AM ang schedule ni April Boy magpa-dialysis subalit hindi ito nasunod. Kung nasunod lamang daw iyon ang buhay pa ang kanyang asawa sa ngayon. "Yung ala una naka schedule siyang mag-dialysis kung nasunod yun buhay ang asawa ko, buhay siya!" "Sinisisi ko yung hospital.."

KAPATID ni April Boy Regino may Rebelasyon sa Pagpanaw ng kanyang Kuya!

Image
Isa ang nakababatang kapatid ni April Boy Regino na si Vingo Regino ang isa sa unang nagpaabot na pumanaw na ang kanyang kapatid nitong nakaraan. Nang mag-post ito sa kanyang Facebook account ng pamamaalam sa kanyang pinakamamahal na kuya.   Nakakalungkot naman ang araw na ito..wala na ang kuya april boy ko...vingo regino Posted by Vingo Regino on  Saturday, November 28, 2020 Matapos nito ay sunod-sunod na ang kanyang pagbabahagi ng pagbabaliktanaw sa namayapang kapatid. Tulad ng mga lumang larawan nilang magkakapatid na magkakasama at ng mga sikat na mga awitin nito. Last picture na magkakasama pa kami ni kuya april..nakakaiyak isipin wala na siya.. vingo regino Posted by Vingo Regino on  Saturday, November 28, 2020 Bakit kusang tumutulo luha ko... vingo regino Posted by Vingo Regino on  Sunday, November 29, 2020 Kasalukuyang nasa Los Angeles, California ngayon si Vingo at isang araw matapos pumanaw ng kapatid ay nagsalita at nagbigay ng pahayag si Vingo sa kanyang nararamdam

Tunay na dahilan sa pagpanaw ni idol April Boy Regino, ibinunyag ng kanyang misis

Image
Pumanaw na ang novelty singer na si April Boy Regino.  Ito ay kinumpirma ng kapatid ni April Boy Regino na si Vingo Regino ang malungkot na balitang pumanaw na ang kanyang kuya.  Ibinunyag ng misis ng yumaong singer na si April Boy Regino ang totoong dahilan sa pagpanaw ng singer. Sa kanyang facebook post, ibinahagi ni Madelyn Regino ang isang video na makikitang nag-iiyakan sila dahil sa pagpanaw ng singer dakong 3:08 nang umaga, November 29, 2020.  Gamit ang hashtag, ay ibinunyag nitong may sakit na Chronic Kidney Disease Stage 5 at Acute Respiratory Disease ang 59 anyos na singer.  "No More Pain Sa Iyo Mahal.. Sobrang Pain Naman Sa Akin... Sabi mo gusto mo pang mabuhay dahil gusto mo pa akong makasama. Bakit mo ako iniwan ? Ang Daya Mo Mahal! Hindi ko pa kaya !!!😭😭😭  #ChronicKidneyDeseaseStage5 #AcuteRespiratoryDesease #Nov292020 @ 3:08Am " No More Pain Sa Iyo Mahal .. Sobrang Pain Naman Sa Akin... Sabi mo gusto mo pang mabuhay dahil gusto mo pa akong... Posted