Posts

Showing posts from December 29, 2019

idol Raffy nagbigay ng $100 sa palaboy sa Amerika na nag-tagalog

Image
Mabilis na nag-trending ang isa na namang pagtulong na ginawa ni idol Raffy maging sa ibang bansa. Kasalukuyang nagbabakasyon sa USA si idol kasama ang kanyang pamilya ngunit di pa rin ito naawat sa paggawa ng kabutihan sa kapwa tao. Heto ang kanyang buong post: Paglabas ko ng Max’s Restaurant sa Las Vegas, pagkatapos sa isang speaking engagement, isang African American na homeless at PWD ang aking nakasalubong. Natuwa ako dahil marunong siyang magtagalog kaya inabutan ko ng $100.00. Hindi siya makapaniwala, at sa sobrang tuwa nasabi niyang gusto raw niya akong maging asawa. Pero nang makita niya na kasama ko si Jocelyn, binawi niya at sinabing baka may nakatatanda na lang daw akong kapatid na pwede niyang maging boyfriend o pakasalan. Calling Kuya Mon, hehehe!