Posts

Showing posts from December 15, 2019

Mga nagtitinda ng bulaklak, Nabagsakan ng gumuhong pader habang lumilindol sa Davao del Sur

Image
Isang malakas na lindol ang tumama sa Davao del Sur. Ayon sa Phivolcs niyanig ng magnitude 6.9 ang Padada, Davao del Sur nitong Linggo bandang alas dos ng hapon. Trending naman ngayon sa social media ang pagguho ng isang pader sa pamilihang bayan ng Padada kung saan may dalawang kababaihan at isang matandang lalaki ang nadaganan nito. Base sa ulat ng Brigada News Davao, nagtitinda ang mga biktima ng bulaklak ng mangyari ang paglindol. Makikita naman sa larawan na kasalukuyan silang tinutulungan upang mailigtas mula sa gumuhong pader.