Posts

Showing posts from November 23, 2019

Alex Gonzaga, ipina-Tulfo ang kanyang Mommy Pinty

Image
Si Alex Gonzaga o Catherine Mae Gonzaga sa totoong buhay, 31-taong-gulang na host at vlogger ay isa sa mga pinaka-maimpluwensyang mga kilalang tao sa ngayon. Ang kanyang karisma ay nakakakuha ng puso ng kanyang 7.7 milyong mga followers sa Instagram at 4.86 milyong mga subscriber sa kanyang Youtube channel. Nitong Nobyembre 23, ang isa pang video ni Alex ang nag-viral. Pero hindi ito mula sa kanyang Youtube Channel. Ang video ay nai-post ni idol Raffy Tulfo sa Action Youtube channel na mayroon ng 4.6 Million views habang isinusulat ito.

Abogado, pinaliwanag kung 'Paano ba ang Maging Guro'

Image
Isang tanyag na abogado ang nagpahayag ng kanyang opinyon sa gitna ng mainit na usapin ngayon ang pagpapa-Tulfo sa isang guro ng lola at magulang ng isang grade 2 student na diumano ay dinisiplina ng kanyang guro. Narito ang opinyon ni Atty. Bruce Rivera PAANO BA ANG MAGING TEACHER  Madaming bagay dito sa mundo na pwede kang manahimik lalo na kung naniniwala ka naman sa pinaglalaban ng show na ito. Malaki po ang respeto ko kay Sir Raffy Tulfo lalo na bilang host ng BolJak kasi nakikita ko ang dami ng tao sa pumipila araw-araw sa show nilang highly-rated. Sa totoo lang, binigyan nila ng lakas ang mga ordinaryong Pinoy. At kung may manloloko sa akin, humanda kayo at ipapaTulfo ko kayo.  Pero, lubha akong nalungkot nung nakita kong episode ng isang magulang na sinusumbong ang isang guro na namamahiya sa estudyante niya. Kasi guro din ako. At ang taong mga mahal ko ay mga public school teachers.  Bilang abogado, nakita ko kung paano naging mahirap ang buhay ng isang teacher