Video ng Pananakit ng Kampo ni Linda kay Mang Alex sa Barangay Inilabas na

Trending na isyu sa social media at maging sa ilang balita si alyas Linda at si Mang Alex Butal. Pinagbintangan ni Linda si Butal na nanghipo umano sa kanya sa loob ng e-jeep. At nang dahil sa kumprontasyon ay nabugbog ng mga kakilala ni Linda si Butal at dinala pa ito sa barangay. Ang pananakit kay Mang Alex ay hindi natapos sa loob ng modern jeep. Pati sa barangay ay nakatikim din ito ng galit mula sa mga kaanak ni Linda.