Tagapagligtas daw siya ng Pilipinas, pero pumunta kay idol Raffy para Magpaligtas

“Kung gusto niyo i-complain, i-complain niyo ako. Sundalo ako. Tagapagligtas ng Pilipinas. Subukan niyo ako i-complain” Trending ngayong ang isang video sa social media tungkol sa iringan ng dalawang motorista. Sa video, mapapanood na sinisigawan ng lalaking naka-maroon na innova ang taxi driver na nakagitgitan niya. Sinubukan ng guwardiya na mamagitan sa dalawang nagkakainitan na motorista upang hindi maharangan ang drive-thru ng isang fast food restaurant. Subalit nang lumapit ang guwardiya sa lalaking naka-pribadong sasakyan, biglang nagpakilala ang lalaki na sundalo daw.