Posts

Showing posts from September 11, 2019

Mag-Jowang Nanakit ng Grab Driver Himas Rehas na

Image
Hindi pinalagpas ni idol Raffy Tulfo ang viral na pananakit ng magkasintahan sa isang Grab driver na nakuhanan ng video. Sa video, makikita ang isang lalaki na galit nagalit na sinugod at pinagmumura ang Grab driver na siya ring kumukuha ng video. Kita rin ang pagtabig ng isang babae sa cellphone ng biktima. Nanatili namang kalmado ang biktima sa kabila ng mainit na pagtatalo. Ayon kay Tulfo, ang mga netizens ang nag-tag sa kanya ng nasabing viral video matapos itong kumalat sa social media.