Posts

Showing posts from August 20, 2019

Gold Medalist Boxer na si Onyok Velasco Nagsumbong kay idol Raffy

Image
"idol ko to si sir Onyok Velasco" - idol Raffy 1994 Asian games gold medalist at 1996 Summer olympics silver medalist Onyok Velasco, nagsumbong kay idol Raffy Tulfo. Nagpasaklolo kay Idol Raffy Tulfo ang international boxer na si Onyok Velasco para makausap ang insurance company ng motoristang nakabangga sa kanyang sasakyan para siya ay tuluyan nang mabayaran.

Dalagitang Nabugbog sa Viral Video Nagpasaklolo na kay idol Raffy

Image
Na-interview ni idol Raffy Tulfo ang mga sangkot sa viral video kung saan mapapanood ang 16-anyos na babae na paulit-ulit na sinasapok ang isang 13-anyos na dalagita. Kinilala ang nambugbog na si Angelika Tumang. Base sa naging takbo ng panayam, nagselos daw si Tumang dahil nakikipag-usap ang boyfriend nito sa 13-anyosna dalagita. Lumabas naman sa interview na noong isang taon pa raw nangyari ang krimen pero ngayon lang daw nakakuha ng ebidensiya ang kampo ng biktima. Dahil daw sa nangyari, ay naapektohan ng lubos ang pag-aaral ng biktima. Salaysay pa ng nanay ng biktima, hindi daw seryoso sa pakikipag-ayos ang kampo ng suspek. Napa-alaman din na may 6 pang nabiktima si Angelika.

Libre na! Pagtawag sa Hotline 911 Libre na

Image
Inanunsyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na lahat ng tawag sa Emergency 911 Hotline ng pamahalaan ay libre na para sa mga subscriber ng PLDT, Smart, Talk ‘N Text at Sun Cellular. "Libre na po ang pagtawag sa Hotline 911 sa PLDT at tatlong mobile networks nito" sabi ni DILG Secretary Eduardo M. Año. "Huwag po kayong magdalawang-isip na i-dial ang 911 sa panahon ng emergency. Hindi natin hahayaang ang kawalan ng load ay maging hadlang sa pagliligtas ng buhay sapagkat bawat segundo ay mahalaga sa panahon ng emergency," dagdag niya. Batay sa datos mula sa DILG Emergency 911 National Office, pangkaraniwan nang nakatatanggap ng halos 3,500 na emergency calls ang hotline sa loob ng isang buwan at humigit-kumulang sa 100 legitimate na tawag sa loob ng isang araw. Kasabay nito, matinding binalaan naman ng ex-AFP chief ang mga prank callers na mananagot ito sa batas kung aabusuhin ang pagtawag sa 911. “Libre na po ang pagtawag sa Hotlin

Part 5 Pakistani, Hinuthutan daw ng ₱3.5M ng Ex-Gf niyang Pinay

Image
Lamapit kay idol Raffy Tulfo ang isang Pakistani upang ireklamo ang manlolokong pinay na girlfriend. Umabot na raw umano sa P3.5 Million ang nakuha nito. Nangako umanong hihiwalayan ng babae ang mister sa Pilipinas upang pakasalan siya. Pero ngayon ito daw ay biglang naglaho na parang bula.

Nilasing, Ginalaw at Pinikot daw Siya ni PO3

Image
Pumunta ng action center ang isang nanay na si Angeline Dela Cruz para humingi ng tulong kay idol Raffy Tulfo. Hiling niya kay idol na makuha niya ang kanyang 4 taong gulang na anak sa ama nito na isang pulis. Ayon pa sa comlainant napilitan lamang siyang magpakasal sa pulis dahil sa siya umano ay pinikot nito.

Reporter ng Raffy Tulfo in Action, Nagsumbong din kay idol Raffy

Image
Kakaibang episode ito ng Raffy Tulfo in Action kasi mismong reporter ng Raffy Tulfo in Action ang magpunta ng action center upang humingi ng tulong kay idol Raffy. Kinilala ang complaint na si Jill Nebrida isa sa pinakamagaling na reporter ni Raffy Tulfo. Nirereklamo niya ang kanyang tiyahin na nagpapaalis umano sa kanya sa kanilang bahay. "Kami kasama na po ako we are not invincible, tulad niyo rin nagkakaproblema sa pamilya sa ibang tao" - idol Raffy