Dating DENR Secretary Gina Lopez Pumanaw na sa Edad na 65

Pumanaw na ang dating kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na si Gina Lopez sa edad na 65-anyos matapos ang kanyang pakikibaka sa sakit na brain cancer. Matatandaang taong 2016 pag-upo ni Pangulong Rodrigo Duterte, nagsilbi bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) si Lopez. Kung saan buong tapang siyang nakipaglaban sa mga dambuhalang kompanya ng pagmimina. Subalit noong 2017 ay hindi pinalad na makumpirma sa puwesto si Lopez. Sa kabila nito, itinuloy pa rin niya ang kaniyang adbokasiya sa kalikasan, na nagsimula mula pa noong kabataan niya.