Government Property, Binaboy ng Isang Babaeng Rallyista

Huli sa akto ang isang babaeng rallyista habang binaboy ang government property sa lungsod ng Maynila. Ayon sa source ng larawan, ito ay kuha sa mismong araw na ginanap ang SONA ng Pangulong Duterte. Makikita sa larawan ang babae na may hawak na spray paint at sa hiwalay naman na litrato ay makikita ito na minamarkahan ang isang street sign. Hindi naman pinalampas ng kumuha ng litrato na hindi makuha ang mukha ng taong naaktuhan na nagva-vandal. Nagpahayag ng pagkadismaya at inis ang maraming netizens nang makita ang litrato. Anila ay hindi dapat sinisira ng babae ang anumang pag-aari ng gobyerno. Sa ngayon ay wala pang kumpirmadong pagkakakilanlan ang babaeng nasa larawan. Taong 2013 ay pinangunahan ng dating senador Miriam Defensor Santiago ang Anti-Vandalism Act na kung saan ipinagbabawal ang bandalismo at pagbabawal ng pagtitinda ng spray cans sa mga kabataan na nasa edad 18 pababa.