Posts

Showing posts from July 22, 2019

Kotong Manila Enforcer Sinibak ni Mayor Isko Moreno

Image
Nakilala na at sinibak kaagad sa trabaho ni Manila City Mayor Isko Moreno ang traffic enforcer na nakuhanan sa CCTV na tumanggap umano ng lagay sa sinita niyang rider ng motorsiklo. Matapos iharap sa alkalde nitong Lunes ang tauhan ng  Manila Traffic and Parking Bureau  na nakilalang si Ricardo Galit, kaagad na kinumpiska ni Moreno ang ID niya at pinahubad pa ang uniporme.

Walang Patawad | Mag-asawang Matanda Hindi Pinaupo sa Bus

Image
Maraming mga netizens ang nagngitngit sa inis dahil sa post na binahagi ng netizen na si Jovit Je Lim. Sa kanyang post makikita ang matandang babae at lalaki na matiyagang nakatayo sa bus at walang ni isang nag-alok sa kanila ng mauupuan. Kuha raw ito ng misis ni Jovit. Sabi ng asawa ni Jovit kung hindi lang daw siya buntis ng anim na buwan na ay papaupuin niya ang matatanda. Subalit kailangan din niyang maupo. Nagtataka siya sa mga iba na mukha naman daw healthy pero mga ayaw magpaupo. Ayon pa sa asawa, para daw hindi matumba ang magasawa, nagyayakapan nalang sila. Sa kabila ng ito, wala padin nagpaupo sakanila sa mga nakasakay din sa bus. Dagdag pa ng asawa ni Jovit, grabe daw talaga ang mga tao ngayon. Mga hindi marunong maawa, napakasakit nga naman makita ang dalawang matanda na hindi man lang tinutulungan. Narito ang samu't-sari nilang naging reaksyon: "Nakakaawa naman kasi baka kailangan na nilang bumiyahe kaya sumakay sila kahit punuan na, sana k