Isa na namang Tolonges ang Mayayari kay Yorme Isko Moreno




Nakakalungkot pong isipin na sa kabila ng pagsasaayos ni Mayor Isko "Yorme" Moreno ay may mga gantong klaseng tao na sumisira ng Maynila.

Kahapon ng Nov 23, 2019 kami ay nagpunta sa Sta Cruz Manila para mamili at makita ang ganda ng Maynila. Magpapark po sana kami sa tabi ng Mcdo along Rizal Avenue after Carriedo Station, nakita naman po namin na safe and maayos naman po yung parking na hindi nakasagabal sa kalsada. Ngunit pagdating na pagdating namin ay may dumating napo na isang parking attendant at maniningil ng parking fee na 70 pesos daw po ang bayad, ako po ay nagulat sa presyo nya kasi ang lagi naman base rate ng mga parking ay P40 or P50 kaya dali-dali kong tinignan ang ticket na inabot nya sa akin at ng makita ko ay mukang sinadyang sulatan yung part na may presyo kaya di mo na nakikita talaga(Medyo malabo po yung kuha ng ticket sa pagmamadali sa part na yun). So, ang sabi ko patingin ako ng ibang ticket mo, at yun na nga bumulaga na po ang 30 pesos lang na rate. Kaya ang sabi ko sa kanya bakit ka naniningil ng 70 pesos e 30 pesos lang ang nakalagay sa ticket, ang sagot ng parking attendant, e sir pano naman kame. Lalo po akong nagulat kasi kung iisipin po ninyo sa total na P70 at P30 lang ang nasa ticket at ang sobra e P40 e di hamak na mas malaki pa ang kita nila sa mismong parking. Kaya ang sabi ko sa parking attendant e parang hindi ata tama yan di ako papayag na magbayad sayo ng 70 pesos e 30 pesos lang naman talaga ang nakalagay sa ticket. At yun napo ang mga sumunod na nangyare

Panuorin nyo nalang po kung tama po ba ang ginagawa ng taong to sa mga magpapark.

Pinaalis po kami ni Boy 70 sa lugar na nakapark napo kame.

Fyi po ako po ay hindi mag-isang pumunta, kasama ko po ang aking mga anak at ang dalawa ko pong byenan na senior citizen na.

Mayor Isko ako po ay humahanga ng lubos sa mga ginagawa ninyo sa Maynila pero kung may mga gantong klase pong tao na nanlalamang sa kapwa ay parang di po ito fair sa mga kababayan natin. Sana po ay maaksyunan po ito.

Pakishare nalang po natin to
Salamat

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo