Panoorin: Pangulong Duterte Naaksidente sa Motorsiklo



Sumemplang sa motorsiklo kamakalawa ng gabi, Oktubre 16 si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ito ang kinumpirma ni Senador Bong Go na nangyari aniya habang papalabas na ng PSG compound ang Chief Executive.

“Duterte sumemplang kagabi habang nagmo-motor palabas ng psg compound,” ayon kay Go.

Sa ngayon ay nasa bahay pagbabago ang Pangulo at kasalukuyang nagpapahinga.

Maliban sa idinadaing ang masakit na balakang ay wala namang nabanggit pa si GO na may iniindang sakit ang pangulo.

Magpapa-check up pa aniya ito para malaman kung may iba pang injuries.

Wala pa namang abiso kung matutuloy ang nakalinyang event ng Chief executive para sa araw na ito.

Samantala, sinabi naman ni PSG commander Gen. Jose Eriel Niembra na nasa Malago compound ngayon si Pangulong Duterte.

Nag try aniya na paandarin ni Pangulong Duterte ang kanyang motor pag uwi nito mula sa engagements kagabi sa San Buenaventura Power Ltd. Co. sa Switch on Celebration Grand Ballroom, 3/F Grand Hyatt Manila, 8th Avenue cor 35th St. BGC, Taguig.

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Malunggay, Panlaban sa Coronavirus Ayon sa DOH

Truck Driver na sinasabing anak ni John Regala, naluha sa kanilang DNA test result

First Video ng baby ni Coleen Garcia at Billy Crawford; Mga Netizens may Napansin