Posts

Showing posts from October, 2019

Taxi Driver, Nanghuhuthot ng Pera sa mga Ofw Gamit si Idol at Tatay Alex

Image
Si John Sese De Guzman ay isang miyembro ng radyo 5 taxi squad isa siyang taxi driver at meron siyang mga post na kung saan nakaakbay si idol Raffy sa kanya selfie at marami siyang pinopost ng mga litrato ng pamilya ni idol Raffy.

Ang siste ito pala ay ginagamit ni  De Guzman upang makapangikil ng tig P1,000 sa mga OFW.

Magandang Dalaga, Binosohan sa Fitting Room

Image
Isang netizen ang humihingi ng tulong ngayon sa social media para mahuli ang lalaking namboso sa kanya habang siya ay nasa loob ng fitting room sa isang mall sa Maynila.

Sa Facebook post ni Ellnea Nica, ishinare niya ang CCTV footage ng mall kung saan siya nag-fit ng swimwear.

Ayon sa biktima, naganap ang pamboboso nitong October 30, bandang ala-6 ng hapon.

Official “Tulfo and Chill” Jacket at T-shirts Available na

Image
Opisyal nang inanunsyo ng Facebook page ni idol Raffy Tulfo in Action na pwede nang makabili ng hoodie jacket ang mga tagasuporta ng programa.

Ang jacket na ito na may nakalagay na “Tulfo and Chill” ay unang nakitang suot ito ni idol Raffy. 
Registered rin ang mga disenyo nito sa ilalim ng Intellectual Property Code of the Philippines.


Mabibili ang mga ito sa official Facebook Page ng RTIA Merchandise dito

Feelingera lang ba si Amo o Kawatan Talaga si Kasambahay

Image
Nagtungo ng action center ang isang kasambahay na si Maricel Guerero upang humingi ng tulong kay idol Raffy Tulfo.

Inirereklamo niya ang kanyang amo na si Michelle Lachenal dahil sinisiraan daw siya nito sa social media.

Pinopost raw nito ang kanyang larawan habang sinasabihan raw siyang magnanakaw.

Ang Kwento ng Batang nag-viral sa Social Media Dahil sa Pagtitinda ng Daing at Tinapa

Image
Kahangahangang abilidad sa pagtitinda ito ang nagpasikat sa isang bata sa social media.

Pero sa likod ng sigla na siyang dahilan upang makabenta mayroon mabigat na dahilan kung bakit niya ito ginagawa.

Ito ang istorya ng katapangan na harapin ang obligasyon para sa sarili at para sa pamilya.

Panoorin ang kahanga-hangang istorya ng batang si Lance na sumikat sa social media dahil sa galing nito sa pagtitinda ng daing at tinapa.

Ang kanyang determinasyon sa pag-aaral at pagmamahal sa mga taong nag-aaruga sa kanya ay naging inspirasyon para sa marami.

Nanay ni Alyas Linda, Huli sa CCTV na Nakisawsaw din sa Pananakit kay Mang Alex

Image
Trending na isyu sa social media at maging sa ilang balita si alyas Linda at si Mang Alex Butal.

Pinagbintangan ni Linda si Butal na nanghipo umano sa kanya sa loob ng e-jeep.

At nang dahil sa kumprontasyon ay nabugbog ng mga kakilala ni Linda si Butal at dinala pa ito sa barangay.

Ngayon sa Part 8 ay nagbigay ng update at komento si idol Raffy sa insidente.

Video ng Pananakit ng Kampo ni Linda kay Mang Alex sa Barangay Inilabas na

Image
Trending na isyu sa social media at maging sa ilang balita si alyas Linda at si Mang Alex Butal.

Pinagbintangan ni Linda si Butal na nanghipo umano sa kanya sa loob ng e-jeep.

At nang dahil sa kumprontasyon ay nabugbog ng mga kakilala ni Linda si Butal at dinala pa ito sa barangay.

Ang pananakit kay Mang Alex ay hindi natapos sa loob ng modern jeep. Pati sa barangay ay nakatikim din ito ng galit mula sa mga kaanak ni Linda.

Batang Ninakawan ng Paninda ng mga Traffic Enforcer Inaksiyonan ni idol Raffy

Image
Trending sa social media ang litrato ng isang batang umiiyak na nagtitinda ng prutas at tinapay na ninakawan ng mga traffic enforcer.

Nakarating ito kay idol Raffy kaya naman ito ay kanyang inaksiyonan kaagad.

Mag-ingat: Processed Food products mula Central Luzon, Positibo sa ASF

Image
Nagpositibo sa African Swine Fever ang ilang longganisa, hotdog, at tocino mula Central Luzon na nakumpiska sa Oriental Mindoro.

Driver at Konduktor ng E-jeep Viral Video, Naka-face to Face ang Biktima

Image
Mala teleserye ang nanyari sa Viral Video kung saan dahil sa Feeling ni Alyas Linda na bugbog ang isang mamang lalaki.

Dahil dito nag viral o trending ito sa social media kung saan umani ng ibat ibang batikos.

Desidido si Mang Alexander na pakasuhan din si Joel, ang driver ng e-jeepney na nag-udyok daw na mabugbog ang matanda matapos akusahang hinipuan ang kapwa pasaherong si Dimple.

Driver ng E-jeep ang Nag-udyok kay Alias Linda Para Saktan si Mang Alex

Image
Part 1 Viral Video Ng Alitan Ng Babae At Lalaki Sa E-jeep. Babae, Humarap Kay Idol!

Part 2 Viral Video Ng Alitan Ng Lalaki At Babae Sa E-jeep. Pamilya, Nagmakaawa Kay Kuya!

Part 3 Hinimatay Si Nanay Sa Pagmamakaawa Sa Ginawa Ng Kanyang Anak Sa Viral Video!

Dito sa Part 4 nakausap ni idol Raffy ang driver at konduktor ng e-jeep at tinanong ito ng kung ano ba talaga ang totoong nangyari.

Nabugbog sa Maling Akala Pamilya ng Babae, Nagmamakaawa Ngayon kay Kuya

Image
Humingi ng tulong si Mang Alex sa Wanted sa Radyo matapos siyang bugbugin habang nasa loob ng jeep.

Kwento niya, pinagbintangan daw siyang nanghipo ng isang kapwa-pasahero.

Pero matapos imbestigahan ng mga pulis, napatunayang hindi totoo ang paratang laban sa matanda.

Ngayon, si Mang Alex na ang nagsampa ng reklamo laban naman sa mga nambugbog sa kanya at sa babaeng nagbintang.

Baka Sumakit ang Tiyan niyo sa Katatawa Rito

Image
Nagtungo ng action center si Cornelio Supilanas upang isumbong kay idol Raffy ang kanyang misis na pinagpalit siya sa kabit nito.

 Humingi siya ng tulong kay idol para mabuo muli ang kanyang pamilya.

Traffic Enforcer, Pinara ang Taxi na may Sakay na Pasyente. Pasyente, Binawian na ng Buhay

Image
Viral sa social media kamakailan ang taxi na pinara ng isang traffic enforcer kahit walang itong malinaw na violation.

Ang kinagalit ng video uploader ay may sakay na pasiyente ang taxi sa oras na iyon na kailangan kagaad dalahin sa ospital.

Ang nakakalungkot na balita dahil binawian na ng buhay ngayon ang pasahero.

Panoorin: Pangulong Duterte Naaksidente sa Motorsiklo

Image
Sumemplang sa motorsiklo kamakalawa ng gabi, Oktubre 16 si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ito ang kinumpirma ni Senador Bong Go na nangyari aniya habang papalabas na ng PSG compound ang Chief Executive.

“Duterte sumemplang kagabi habang nagmo-motor palabas ng psg compound,” ayon kay Go.

Sa ngayon ay nasa bahay pagbabago ang Pangulo at kasalukuyang nagpapahinga.

Maliban sa idinadaing ang masakit na balakang ay wala namang nabanggit pa si GO na may iniindang sakit ang pangulo.

Magpapa-check up pa aniya ito para malaman kung may iba pang injuries.

Wala pa namang abiso kung matutuloy ang nakalinyang event ng Chief executive para sa araw na ito.

Samantala, sinabi naman ni PSG commander Gen. Jose Eriel Niembra na nasa Malago compound ngayon si Pangulong Duterte.

Nag try aniya na paandarin ni Pangulong Duterte ang kanyang motor pag uwi nito mula sa engagements kagabi sa San Buenaventura Power Ltd. Co. sa Switch on Celebration Grand Ballroom, 3/F Grand Hyatt Manila, 8th Avenue cor 35th St. B…

DepEd | Sembreak Walang Pasok October 21 to October 25 2019

Image
Public elementary and high schools under the Department of Education shall have the semestral break after the 2nd Quarter Examination which starts on October 21 and ends on October 25, 2019. The days of October 21-25 are regular work days for all teaching and non-teaching personnel, hence attendance will be officially monitored.


All schools shall have to conduct In -Service Training (INSET) for all teaching and non-teaching personnel during the duration of the semestral break. The inset may include all possible topics that will contribute to the welfare, well-being, professional growth, love of the teaching profession, and professionalism of the teachers.

SCHOOL CALENDAR FOR SCHOOL YEAR 2019-2020

School HolidaysStartsFinishesFirst Day of School3 Jun 2019
(Mon)Semestral Break21 Oct 2019
(Mon)25 Oct 2019
(Fri)Christmas Break15 Dec 2019
(Sun)3 Jan 2020
(Fri)Last Day of School3 Apr 2020
(Fri)
DepEd Order 007, s. 2019

1. The School Year (SY) 2019-2020 shall formally open on Monday, June 3,…

Idol Raffy Rumesbak sa Yllana Brothers, Dinamay Pati ang Nanay niya Kawawa

Image
Nakakaawa ang sinapit ni idol Raffy Tulfo sa mga bashers dahil winalang-hiya ito at dinamay pa pati ang kanyang nanay at tinawag itong P*TA.

Kaya naman rumesbak na si idol Raffy sa Yllana brothers na si Anjo Yllana at Ryan Yllana.


Kinaladkad si Mayor

Image
Itinali sa trak at kinaladkad sa kalsada ng mga residente ang mayor ng Mexico na si Jorge Luis Escandón Hernández dahil hindi nito ipinagawa ang kalsadang matagal na niyang ipinangako.

Dinakip ang 11 kataong sangkot umano sa insidente.

Kabilang umano sa mga pangakong napako ay pagkakaroon ng maayos na kalsada at pagbibigay ng tubig at kuryente sa isang maliit na pamayanan.

Samantala, maaring pinabulaanan ni Hernández ang mga ipinaparatang sa kaniya at sinabing paninira lamang ito.

Part 2 Tagapagligtas ng Pilipinas at Taxi driver, Nag-face to Face na

Image
“Kung gusto niyo i-complain, i-complain niyo ako. Sundalo ako. Tagapagligtas ng Pilipinas. Subukan niyo ako i-complain”
Lumapit kay Idol Raffy Tulfo ang lalaking si Karl na nababatikos sa social media dahil sa video ng pagkompronta niya sa isang taxi driver.

Paliwanag niya, muntik na raw may mahagip na bata ang taxi driver kaya niya ito sinugod.

Pero nanindigan ang taxi driver na si Mang Reynaldo na walang bata sa lugar.

Tagapagligtas daw siya ng Pilipinas, pero pumunta kay idol Raffy para Magpaligtas

Image
“Kung gusto niyo i-complain, i-complain niyo ako. Sundalo ako. Tagapagligtas ng Pilipinas. Subukan niyo ako i-complain” Trending ngayong ang isang video sa social media tungkol sa iringan ng dalawang motorista.

Sa  video, mapapanood na sinisigawan ng lalaking naka-maroon na innova ang taxi driver na nakagitgitan niya.

Sinubukan ng guwardiya na mamagitan sa dalawang nagkakainitan na motorista upang hindi maharangan ang drive-thru ng isang fast food restaurant.

Subalit nang lumapit ang guwardiya sa lalaking naka-pribadong sasakyan, biglang nagpakilala ang lalaki na sundalo daw.

Part 5 idol Raffy, Hinambalos ang Yllana brothers dahil wala raw Modo GMRC

Image
Kahit wala sa studio, pinangaralan ni Idol Raffy Tulfo ang magkapatid at mga dating artistang sina Anjo at Ryan Yllana na humarap sa Wanted sa Radyo noong nakaraang linggo.

Nagkainitan kasi ang magkapatid at ang mga nagrereklamong estudyante ng kanilang paaralan na Yllana Colleges sa isyu ng respeto.

Pero hirit ni Idol Raffy, bakit ka humihingi ng respeto kung hindi mo ito ibinibigay?

Yllana brothers, hinarap ang reklamo laban sa kanilang paaralan

Image
Humarap ang mga dating artista na sina Anjo at Ryan Yllana para harapin ang naging problema ng kanilang eskwelahan na Yllana Colleges.

Matatandaan inireklamo ito dahil sa kawalan ng permit sa TESDA.

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Image
Unang pinalabas ang episode na ito noong September 26 na may title na "Anak, ipina-Tulfo si nanay. Nanay, may sumbong din laban sa anak. Tatay, nakisali na rin"

Ang part 2 naman ay may pamagat na "Nanay na ipina-Tulfo ng kanyang mga anak mayroon palang warant of arrest"

Part 3 ay pinalabas noong September 27 na ang pamagat ay "idol, naglaan ng P100k na pabuya para maposasan ng mga pulis ang nanay ng mga bata"

At ang part 4 ay may pamagat na "Anak na may nanay na P100k na patong sa ulo, pinabilib si idol"

Benjie Paras, Nagsumbong kay idol Raffy sa Paninira sa Kanyang Negosyo ni Kiefer Ravena ng Gilas Pilipinas!

Image
Benjie Paras, Isinumbong Ang Paninira Sa Kanyang Negosyo Ni Kiefer Ravena Ng Gilas Pilipinas!

Usap-usapan ngayon sa social media ang isang kakaibang episode ng programang “Wanted Sa Radyo” ni Raffy Tulfo dahil si Benjie Paras ang nagsilbing complainant.

Maraming mga netizen's ang natuwa nang makita si Benjie Paras, isang kilalang tanyag na tao at basketball player, sa loob ng studio ni Raffy Tulfo sa Aksyon.

Isinumbong ng 1989 PBA MVP na naririnig niya ang mga negatibong tsismis mula sa ex-Ateneo standout patungkol sa panlasa ng manok sa Uling Roasters.