Libre na! Pagtawag sa Hotline 911 Libre na

"Libre na po ang pagtawag sa Hotline 911 sa PLDT at tatlong mobile networks nito" sabi ni DILG Secretary Eduardo M. Año.
"Huwag po kayong magdalawang-isip na i-dial ang 911 sa panahon ng emergency. Hindi natin hahayaang ang kawalan ng load ay maging hadlang sa pagliligtas ng buhay sapagkat bawat segundo ay mahalaga sa panahon ng emergency," dagdag niya.Batay sa datos mula sa DILG Emergency 911 National Office, pangkaraniwan nang nakatatanggap ng halos 3,500 na emergency calls ang hotline sa loob ng isang buwan at humigit-kumulang sa 100 legitimate na tawag sa loob ng isang araw.
Kasabay nito, matinding binalaan naman ng ex-AFP chief ang mga prank callers na mananagot ito sa batas kung aabusuhin ang pagtawag sa 911.
“Libre na po ang pagtawag sa Hotline 911 sa PLDT at tatlong mobile networks pero hindi ibig sabihin ay gagamitin natin ito para sa panloloko. Prank and fraudulent calls are punishable under the law,” anang DILG Secretary.Maaring makulong ng hindi lalagpas sa 5 taon, at magmulta ng hindi hihigit sa 40,000 piso ang mapapatunayang may sala.
Dagdag ni DILG Sec. na sana maging daan ito upang mahikayat ang iba ‘pang telecommunications company na sumunod sa ginawang hakbang na ito.
Comments
Post a Comment