Walang Patawad | Mag-asawang Matanda Hindi Pinaupo sa Bus



Maraming mga netizens ang nagngitngit sa inis dahil sa post na binahagi ng netizen na si Jovit Je Lim.


Sa kanyang post makikita ang matandang babae at lalaki na matiyagang nakatayo sa bus at walang ni isang nag-alok sa kanila ng mauupuan.

Kuha raw ito ng misis ni Jovit. Sabi ng asawa ni Jovit kung hindi lang daw siya buntis ng anim na buwan na ay papaupuin niya ang matatanda.

Subalit kailangan din niyang maupo. Nagtataka siya sa mga iba na mukha naman daw healthy pero mga ayaw magpaupo.


Ayon pa sa asawa, para daw hindi matumba ang magasawa, nagyayakapan nalang sila. Sa kabila ng ito, wala padin nagpaupo sakanila sa mga nakasakay din sa bus.


Dagdag pa ng asawa ni Jovit, grabe daw talaga ang mga tao ngayon. Mga hindi marunong maawa, napakasakit nga naman makita ang dalawang matanda na hindi man lang tinutulungan.

Narito ang samu't-sari nilang naging reaksyon:

"Nakakaawa naman kasi baka kailangan na nilang bumiyahe kaya sumakay sila kahit punuan na, sana kahit yung matandang babae manlang e pinaupo"
"Nakakadurog pa rin kasi ng puso, sana manlang may nagmalasakit sa kanila" "Di ba may upuan sa unahan ng bus na reserved for senior citizens? kaya siguro sumakay sina lolo at lola kasi alam nilang makakaupo sila" 
"Kasalanan din ng driver at ng conductor ng bus yan! Ano yun ndi nila nakikita? At paupuin sa unahan pra sa mga senior citizen? Yung iba nman talagang nag tutulog-tulogan lang ang kakapal ng mnga mukha!!! Parang walang mga magulang"
"Wala kasi nmang batas para dun, konsensya lng ng mga tao ang pagbibigay ng upuan, hindi pwede ipilit ng conductor pasahero na ibigay upuan nila" 
"Nagbabayad naman po kasi ng wasto ....wag nyo pong sisihin at pagalitan..kasalanan yan ng konduktor bakit ngpapasakay eh ala na pala bakante"
Source: Jovet Ji Lim

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo

Malunggay, Panlaban sa Coronavirus Ayon sa DOH

Truck Driver na sinasabing anak ni John Regala, naluha sa kanilang DNA test result