Signal Number 1 LPA sa North Luzon, Bagyong ‘Goring’ Na

Ayon sa PAGASA, muling pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang naturang LPA dakong alas-siyete kaninang umaga makaraang lumabas sa bahaging saklaw ng bansa.
Naging isang ganap na bagyo na ang Low Pressure Area na binabantayan PAGASA dakong alas otso ng umaga at pinangalanan itong Goring.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 190 kilometers North Northwest ng Basco, Batanes.
May lakas itong 45 kilometers per hour, at pagbugso na umaabot sa 60 kilometers per hour.
Ito na ang ika-pitong tropical cyclone na makaaapekto sa bansa ngayong taong 2019.
Ayon sa PAGASA ang bagyong Goring ay maghahatid ng katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Ilocos Region at Babuyan Group of Islands.
Mamayang gabi o bukas ng umaga ay lalabas din agad ng bansa ang bagyo.
Source: Dost_pagasa
Comments
Post a Comment