Bagong Graduate, Patay matapos Barilin sa Ulo ng Sariling Tatay na Pulis



Nasawi ang isang 22 anyos na babae matapos barilin ng sariling ama sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Calindangan, Dumaguete City, Linggo ng hapon.



Kinilala ang biktima na si April May Ege na nito lamang Marso ay nakapagtapos ng Business Administration sa Negros Oriental State University.

Ayon sa hepe ng Dumaguete PNP na si Police Lieutenant Colonel Gregorio Galsim, nagkasagutan ang mag-ama sa loob ng kanilang bahay at ito ang nag-udyok na barilin ng pulis sa ulo ang kaniyang anak gamit ang kaniyang service firearm.


Bigla na lang daw bumunot ang ama ng baril at ipinutok sa ulo ng kanyang anak.

Inaalam pa ng pulis kung ano ang pinag-awayan ng mag-ama at kung matagal na bang hindi magkasundo ang dalawa.

Agad namang naaresto ang amang pulis ng kaniyang mga kasamahan sa Dumaguete Police Station.

Nabawi sa crime scene ang isang deformed slug ng 9-millimeter na armas at isang empty shell ng 9-mm.

Nakuha din ng pulisya mula sa suspek ang kaniyang Glock 17 na service firearm kasama ang isang magazine na may apat na bala.


Detained na ngayon ang pulis at kasong parricide ang kaniyang posibleng kaharapin.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang suspek, na sasampahan ng pulisya ng reklamong administratibo at isasailalim sa drug test.

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo

Malunggay, Panlaban sa Coronavirus Ayon sa DOH

Truck Driver na sinasabing anak ni John Regala, naluha sa kanilang DNA test result