Paano Kasuhan ang mga Hindi Nagbabayad ng Utang
Maaari nang maningil ng utang na di na kailangan pang gumastos sa abogado. Ito ay sa pamamagitan ng pagfile ng small claims case sa Municipal Trial Court.

Ang utang na pwedeng singilin sa pamamagitan nito ay di dapat lumagpas sa 400,000 pesos.
Kabilang sa mga utang na pwedeng maging basehan sa pagfile ng small claims cases ay:
- Di pagbabayad ng upa;
- Di pagbabayad sa hiniram na pera;
- Di pagbabayad ng mga bagay na binili;
- Di pagbabayad matapos magsangla; at
- Di pagbabayad sa serbisyong kinuha.
Layunin ng small claims cases na mabigyan ng simple, di magastos at agarang solusyon ang mga problema tungkol sa paniningil ng utang
Ito ang proseso:
- Kapag di umubra sa barangay, humingi ng CFA.
- Dalhin ang CFA, pumunta sa MTC-Small Claims Court
- Bibigyan kayo ng isnag form sa Small Claims Court at ito ay iyong punan at ilakip ang lahat ng ebidensiya ng pagkakautang kasama ang CFA
- Magbayad ng filing fees/docket fees
- Isubmit ang form kasama ang iyong mga ebidensiya sa korte
- Magpapahatid na ng summons sa kabilang partido ang korte
- Mag-usap ang bawat partido sa harap ng judge at pagkatapos ng paghaharap at di magkasundo ang mga partido, maghahatol na agad yung judge
Awts, this is not good. There are lots of loan with lowest interest rate available. I think we just need to be responsible enough paying our debts/
ReplyDelete