Single dad masayang binati ang anak sa pagpasa ng Bar exam bago pa man lumabas ang resulta

MANILA, Philippines – Hindi naitago ng single dad mula sa Solana, Cagayan ang pananabik at binati ang kanyang anak sa pagpasa sa Bar exam ilang oras bago ang anunsyo. Si Renato Meniado Baysa ay nakitang umakyat sa puno para maglagay ng malaking tarpaulin na may mensahe ng pagbati para sa kanyang anak na si Lynk Juren Baysa. Sigurado ang ama na makakapasa ang kanyang anak sa Bar exam bago pa man ang opisyal na resulta. At tama si Tatay Renato dahil si Lynk ay kabilang sa 8,241 bar passers sa 11,402 na kumuha ng kauna-unahang digital at regionalized bar exam noong Pebrero 2022. The tarpaulin ay may heartwarming message na, “FROM: DADDY, THE SINGLE PARENT WHO SACRIFICE LAHAT PARA SA IYONG KAPAKANAN. IPINAGMAMALAKI KITA." Si Tatay Renato ay isang single dad sa kanyang tatlong anak. Dati siyang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Japan ngunit isang illegal worker o TNT (“Tago Ng Tago”). Nagsumikap siya sa ibang bansa hanggang sa makabili siya ng dyip, na siyang pinagkukunan ng al